BPI magbubukas ng 70 bagong 'phygital' branches sa 2025

ABRIL 15, 2025 — Plano ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na palakasin ang kanilang "phygital" strategy sa paglulunsad ng 70 bagong hybrid branches sa taong ito. Inaasahang aabot sa 140 ang next-gen branches nila pagdating ng 2025, kung saan pinagsasama ang digital convenience at personal na serbisyo.
Ayon kay Maria Cristina "Ginbee" Go, Head of Consumer Banking ng BPI, malaki na ang pagbabago sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga customer sa bangko.
“We’ve been on this phygital transformation journey for the past three years and our customers have experienced the power of that transformation through enhanced convenience, simplified banking, and differentiated advisory service,” pahayag niya.
(Dumaan na kami sa tatlong taon ng phygital transformation, at ramdam na ng mga customer ang mas pinadaling banking experience na may kasamang personalized advice.)
Sa ngayon, mayroon nang 59 phygital branches ang BPI, kasama ang siyam na prime at tatlong flagship branches. Pinagsasama sa mga branches na ito ang self-service tech tulad ng digital kiosks at face-to-face consultations para sa mga tech-savvy at traditional banking users.
Kapansin-pansin na kahit ang mga digital-savvy na customer ay bumibisita pa rin sa branches, hindi para sa routine transactions, kundi para sa financial advice.
“This is because digital clients still turn to the branch for expert advice from our branch personnel to learn how they can manage their finances better and how can they achieve their dreams. They value the ability to ask questions, explore options and seek expert opinion,” paliwanag ni Go. “Being able to talk to someone and visit a branch is an assurance of the legitimacy and commitment of a bank especially on matters as important as one’s hard-earned money.”
(Kasi, kahit digital users, kumokonsulta pa rin sa branch personnel para matuto kung paano mapapalago ang pera nila. Mahalaga sa kanila ang makapagtanong at makakuha ng expert opinion. Importante pa rin ang makapagtanong nang harapan at makapunta sa branch dahil garantiya ito na lehitimo at seryoso ang bangko, lalo na pagdating sa perang pinaghirapan mo.)
Hindi tuluyang iiwan ng BPI ang physical branches. Sa halip, pinapaganda nila ang mobile app nila gamit ang QR payments at mobile check deposits bilang suporta sa kanilang lumalawak na network.
Tila epektibo nga ang strategy — umabot sa record-breaking na ₱62 bilyon ang net income ng BPI noong 2024, tumaas ng 20% mula noong 2023. Sa patuloy na pagtaas ng customer satisfaction scores, patunay ito na kahit sa digital age, importante pa rin ang human touch.
(Larawan: Bank of the Philippine Islands)