NGCP: asahan ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong Abril

ABRIL 15, 2025 — Tataas ang bayarin sa kuryente ng mga Filipino household at negosyo ngayong buwan dahil sa mas mahal na transmission costs. Inamin ito ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na nagsabing tumaas ang singil sa ancillary services — o backup power para mapanatiling stable ang grid.
Para sa Abril, lumobo ang ancillary service fees nang 16.05% sa ₱0.8094 bawat kWh, dahil sa deferred payments mula sa Reserve Market. Ipinagpaliban dati ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-recover sa mga gastos na ito, pero ngayon, kailangan nang bayaran ang ikatlong installment.
Tumaas din ang transmission wheeling rates — ang singil ng NGCP para maghatid ng kuryente — ng 4.81% sa ₱0.5505 bawat kWh noong nakaraang buwan. Kabuuan, umangat ng 11.51% ang total transmission charge sa ₱1.5240 bawat kWh.
“For the April 2025 bills of end consumers, NGCP charges only 55 centavos per kWh for the delivery of its services. The bulk of transmission charges is for AS, which is remitted directly to AS providers,” paliwanag ng NGCP.
(Para sa April 2025 bills ng mga consumers, ₱0.55 lamang bawat kWh ang singil ng NGCP para sa delivery ng serbisyo nito. Ang malaking bahagi ng transmission charges ay para sa AS, na diretso nang ibinibigay sa AS providers.)
Direktang aapekto ang mas mataas na transmission fees sa electric bill ng mga consumer. Bagama't ₱0.55/kWh lang ang napupunta sa NGCP, ang natitira ay para sa mga ancillary service providers. Dapat maghanda ang mga negosyo, lalo na ang maliliit at medium enterprises, sa mas malaking operational costs.
Umaasa ang mga consumer na mag-iintervene ang ERC para ma-stabilize ang presyo, pero sa ngayon, dapat handa sa mas mahigpit na budget. Payo ng mga energy expert, bantayan ang konsumo at mag-explore ng energy-efficient alternatives para hindi gaanong mabigat sa bulsa.
(Larawan: Power Philippines)