PCC itinaas ang threshold sa pagsusuri ng deal, pinaluwag ang mga patakaran sa mergers

ABRIL 16, 2025 — Inadjust ng Philippine Competition Commission (PCC) ang mga requirement para sa mga kumpanyang nagpaplano ng merger o acquisition, at nagbigay ng mas malaking leeway bago mag-apply ang antitrust reviews. Magsisimula sa March 1, 2025, ang mga deal na may "size of party" (SOP) na ₱8.5 bilyon o "size of transaction" (SOT) na ₱3.5 bilyon ang siyang mga kailangang dumaan sa mandatory approval ng PCC — mas mataas ito kaysa dating ₱7.8 bilyon (SOP) at ₱3.2 bilyon (SOT).
Ika-walo na itong pagbabago mula nang maipatupad ang Philippine Competition Act noong 2015, na nakabatay sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nilinaw ng PCC na hindi apektado ang mga ongoing review o deal na na-file bago ang March 1.
Posibleng mas kaunting transaksyon na ngayon ang mahaharap sa regulatory delays — isang hakbang para balansehin ang market oversight at mas mabilis na deal-making. Ayon sa PCC, tinitiyak ng adjustment na ang mga threshold ay akma pa rin sa laki ng ekonomiya.
(Larawan: Philippine Competition Commission)