Diskurso PH

AI bots, nag-aalangan sa hula sa susunod na pope


Mary Jane Barrera • Ipinost noong 2025-04-24 19:49:40
AI bots, nag-aalangan sa hula sa susunod na pope

Abril 24, 2025 — Medyo nahihirapan ang artificial intelligence na hulaan kung sino ang susunod na magiging Santo Papa—isa sa pinaka-secretive na tradisyon ng Simbahang Katolika. Pagkatapos ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, umarangkada agad ang mga hula mula sa Vatican insiders at betting sites. Pati AI chatbots, nakisali na rin sa usapan. Pero kahit sila, umaamin: ang hirap nito.

Kinausap ng AFP ang apat na AI platforms—kasama na ang ChatGPT ng OpenAI at Grok ni Elon Musk—para subukang tukuyin ang mga posibleng frontrunners. Parehong sina Grok at Google Gemini ang nagsabing si Italian Cardinal Pietro Parolin ang malakas na kandidato, dahil sa matagal niyang pagiging right-hand man ni Pope Francis. Sabi ni Gemini, “Based on current analysis and prominent discussions, Cardinal Pietro Parolin emerges as a strong contender (Batay sa kasalukuyang pagsusuri at mga prominenteng talakayan, si Kardinal Pietro Parolin ang lumilitaw bilang isang malakas na kalaban).” Pero binanggit din nito ang ilang iba pang posibleng pangalan.

Iba naman ang bet ni ChatGPT: “If I had to make a prediction based on current trends, influence, and the direction the Church has taken under Pope Francis, Cardinal Luis Antonio Tagle stands out as the most likely candidate (Kung kailangan kong magbigay ng hula batay sa kasalukuyang mga uso, impluwensya, at direksyon ng Simbahan sa ilalim ni Papa Francisco, si Kardinal Luis Antonio Tagle ang pinakamalamang na kandidato).” Si Tagle, na madalas itinuturing na top papal bet ng Asia, ay kilala rin sa matinding suporta para sa mga mahihirap at naaapi—katulad ni Pope Francis.

Kahit may mga pangalan silang binanggit, nagbigay pa rin ang mga chatbot ng disclaimer. Sabi ni Gemini, “It’s important to understand that while AI can analyze data and identify patterns, predicting the next Pope involves factors that go beyond data analysis (Mahalagang maunawaan na bagamat kaya ng AI na mag-analisa ng datos at tukuyin ang mga pattern, ang paghula sa susunod na Papa ay may kinalaman sa mga salik na higit pa sa pagsusuri ng datos).” Kabilang sa mga ito ang pananaw sa teolohiya, edad, karanasan, at siyempre, ang sobrang lihim ng proseso.

Pumayag naman si ChatGPT sa ganitong pananaw at nilinaw na, “not a prediction in the crystal ball sense (Hindi isang hula sa paraan ng bola ng kristal)” ang sagot niya, kundi more of “a ‘here’s what the cardinals might consider’ kind of thing (isang uri ng 'ito ang maaaring isaalang-alang ng mga kardinal' na bagay).” Samantala, umatras totally sa hula-hula ang French-based Mistral AI. Sabi nito, “I don't have the ability to predict or speculate on who the next Pope will be (Wala akong kakayahang maghula o mag-isip-isip kung sino ang susunod na Papa).” Imbes, nirekomenda nito na “follow reliable news sources (mag-follow ka ng mga mapagkakatiwalaang news sources)” para sa mga updates.

Larawan: uzhursky/Canva