Hakbang laban sa piracy, layuning palakasin ang malikhaing ekonomiya ng Pilipinas

Abril 25, 2025 — Ayon sa isang lokal na multimedia entertainment company, ang pagkawala ng online piracy ay maaaring magbigay ng pagkakataon para maging kasing-competitive ng creative economy ng Pilipinas ang South Korea. Naniniwala ang Viva Communications na makakamtan ito sa pamamagitan ng pag-pasa ng mga anti-online piracy bills na kasalukuyang nakabinbin sa Senado. Ang dalawang bills, Senate Bill Nos. 2150 at 2385, ay layong amyendahan ang Intellectual Property Code ng Pilipinas upang matugunan ang online piracy.
“If not for piracy, we could have a bigger budget to create more content for our audience to enjoy, but we’re getting less than what we hope to get. If not for piracy, we could be a formidable creative economy on par with South Korea (Kung hindi dahil sa piracy, mas malaki sana ang budget namin para makagawa ng mas maraming content na pwedeng ma-enjoy ng aming audience, pero mas konti ang nakukuha namin kaysa sa inaasahan. Kung hindi dahil sa piracy, pwede sana kaming maging isang malakas na creative economy na kasing level ng South Korea),” sabi ni Vicente “Vic” del Rosario Jr., chairman at CEO ng Viva Communications.
Ibinahagi ni Del Rosario ang pahayag na ito kasunod ng pagpirma ng Viva Holdings Inc. at 37 subsidiaries nito ng E-Commerce Memorandum of Understanding (MOU) para palakasin ang proteksyon ng kanilang mga content at retail products sa mga digital platforms, at labanan ang piracy at counterfeiting.
Nakipaglaban din ang Globe Telecommunications Inc. para sa mas mahigpit na hakbang laban sa piracy, partikular na ang pagtutulak ng batas na mag-iinstitutionalize ng site blocking. “This worrying trend highlights the urgency of strengthening enforcement against piracy, which can be done through amending the Intellectual Property Code to enable site blocking. We believe this will go a long way in curbing content piracy, which will in turn support the creative industry and protect our customers from the dangers posed by pirated content (Ang nakakabahalang trend na ito ay nagpapakita ng pangangailangan na palakasin ang pagpapatupad laban sa piracy, na maaaring magawa sa pamamagitan ng pagbabago sa Intellectual Property Code para payagan ang site blocking. Naniniwala kami na makakatulong ito nang malaki sa pagpigil ng content piracy, na magpapalakas sa creative industry at magpoprotekta sa mga customer mula sa mga panganib na dulot ng pirated content),” sabi ni Yoly Crisanto, Globe’s chief sustainability and corporate communications officer.
Nag-express din ng concern ang isang grupo tungkol sa pagka-antala ng pagpasa ng anti-online piracy bill, na nagsasabing ang kawalan ng mga legal na proteksyon para sa intellectual property ay patuloy na nakakasama sa creative industries dahil nananatiling laganap ang piracy.
Larawan: alexskopje/Canva