Diskurso PH

Meta, nag-iintegrate ng facial recognition sa AI glasses


Mary Jane Barrera • Ipinost noong 2025-05-08 19:14:42
Meta, nag-iintegrate ng facial recognition sa AI glasses

Mayo 8, 2025 — Mukhang bumabalik ang facial recognition technology—at hindi mo aakalain kung saan: sa mga smart wearables ng Meta. Ayon sa isang ulat ng The Information nitong Miyerkules, gumagawa raw ngayon ang Meta ng salaming may kakayahang kilalanin ang mga taong nasa paligid gamit ang kanilang pangalan—isang malaking pagbabago sa dati nitong pananaw pagdating sa tech privacy.

Dati nang tinanggal ng Meta ang facial recognition features mula sa unang version ng kanilang smart glasses. Pero ngayon, mukhang binabalikan nila ito at plano raw itong isama sa mga susunod na devices, gaya ng future smart glasses at AI-powered earphones na may built-in cameras. 

Ang feature na ito, na sa loob ng kumpanya ay tinatawag na “super sensing,” ay magpapalawak pa ng mga kakayahan ng kasalukuyang live AI features na meron sa Meta Ray-Ban smart glasses. Sa ngayon, tumatagal lang ito ng mga 30 minutes dahil sa battery limit, pero inaasahang mas mahaba na ang takbo ng susunod na henerasyon ng wearables sa 2026.

Ayon sa ulat, pinag-uusapan na raw ng Meta ang pagdagdag ng software na may kakayahang “scanning bystanders’ faces and identifying people by name (mag-scan ng mukha ng mga bystanders at tukuyin kung sino sila sa pangalan).” Iniisip rin daw nila na “considered adding the tech to future AI-powered earphones with built-in cameras (isama ang teknolohiya sa mga future AI-powered earphones na may camera).”

Ang super sensing na ito ay hindi agad naka-on—users pa rin ang magde-decide kung gusto nila itong i-activate. Ang problema lang, ’yung mga tao sa paligid na maaaring ma-scan? Eh baka hindi man lang nila malaman na ginagamit na pala sa kanila ’yung tech.

Sa ngayon, meron namang maliit na ilaw sa Ray-Ban smart glasses ng Meta na umiilaw kapag nagre-record—leksyon na siguro ito mula sa backlash laban sa Google Glass at sa mga tinaguriang “Glassholes.” Pero ayon sa ulat, “Meta is reportedly questioning whether future glasses should activate the light when the device is ‘super-sensing’ them (kinu-question na raw ngayon ng Meta kung dapat bang umiilaw pa rin ang ilaw sa mga future glasses kapag ginagamit na ang ‘super sensing’ feature).”

"Putting on a pair of glasses that gives you AI-powered superhuman memory might sound pretty cool (Suotin mo raw ang glasses na may AI-powered superhuman memory? Parang ang astig, diba?)" sabi ng article. "No need to remember things—just let the AI scan your environment and remind you! But the tech sounds a lot less fun when you think about the poor souls in proximity to one of these, uh, Metaholes (Hindi mo na kailangang kabisaduhin ang mga bagay—hayaan mo na lang ang AI ang mag-scan ng paligid at magpaalala sa’yo! Pero parang ang hirap ikatuwa ng tech na ’to kung ikaw ’yung nasa paligid ng mga ganitong devices—ang tawag nga ng article: mga, uh, ‘Metaholes.’)”

Kasabay ng development na ito, binago rin ng Meta ang kanilang privacy terms. Simula ngayong Abril, naka-default na ang AI sa kasalukuyang smart glasses nila. Ang tanging paraan para i-opt out ay ang i-disable ang voice trigger na “Hey Meta!” At higit pa rito, hindi na raw puwedeng i-opt out ang paggamit at pag-store ng voice recordings para sa AI training.

May sinasabi rin ang ulat na posibleng konektado ito sa pagbabago ng klima sa pulitika. Dahil mas maluwag na raw ngayon ang pressure sa Federal Trade Commission (FTC) pagdating sa pag-regulate ng Big Tech, mas nagiging kampante raw ang mga kumpanya. 

Noong nakaraang buwan, binanggit ni FTC Commissioner Melissa Holyoak ang isang “flexible, risk-based approach to privacy enforcement (Mas flexible at naka-base sa level ng risk ang paraan ng pagpapatupad ng privacy rules).” Bukod pa rito, tinanggal na raw ng ahensya ang paggamit ng terms gaya ng “surveillance advertising.”

Larawan: ismagilov/Facebook