Marcos, inutos ang malawakang pagbabago sa gabinete kasabay ng pagbibitiw ng mga opisyal

MAYO 22, 2025 — Nagpasimula si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang pagbabago sa kanyang Gabinete, kasabay ng pagbibitiw ng mga pangunahing opisyal bilang tugon sa kanyang panawagan para sa isang "bold reset." Naghuhudyat ito ng posibleng pagbabago sa pamumuno habang papalapit ang administrasyon sa ikalawang hati ng kanilang termino.
Unang nagbitiw si Transportation Secretary Vince Dizon, na kakaluklok pa lamang apat na buwan ang nakalipas. Sinundan siya agad ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Finance Secretary Ralph Recto.
Binigyang-diin ni Recto ang prayoridad ng Pangulo para sa bansa, sa pahayag na, “The President carries the heavy burden of leading the nation through complex global and domestic challenges. This bold decision was made with his desire to put people and country first.”
(Dala ng Pangulo ang mabigat na responsibilidad n pamumuno sa bansa sa gitna ng mga kumplikadong global and domestic challenges. Ginawa ang matapang na desisyong ito alang-alang sa taumbayan at sa bansa.)
Kabilang sa iba pang nagbitiw sina Trade Secretary Ma. Cristina Roque, Energy Secretary Raphael Lotilla, at National Economic and Development Authority chief Arsenio Balisacan.
Giit ni Lotilla, ang kanyang pagbibitiw ay para bigyan si Marcos ng free hand sa muling pag-aayos ng Gabinete para sa kanyang nalalabing termino.
Kahit ang mga bagong appoint na opisyal, tulad ni Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda (na nanungkulan noong Marso), ay sumunod din.
“We stand by the President and serve at his pleasure,” pahayag ni Aguda.
(Nakahanay kami sa Pangulo at maglilingkod ayon sa kanyang kagustuhan.)
Nangyari ang malawakang pagbabago sa gitna ng tumitinding pressure sa ekonomiya, kabilang ang inflation at global uncertainties. Ayon sa mga analyst, maaaring magbukas ito ng daan para sa bagong mga estratehiya habang nagsisikap si Marcos na pasiglahin muli ang kanyang administrasyon.
Wala pang anunsyo sa mga kapalit, pero inaasahan ng mga insider na mabilis ang paghirang para masiguro ang tuloy-tuloy na pamamahala.
(Larawan: Philippine Information Agency)