‘Liwanag sa Dilim’ musical, extended hanggang May 4!

April 15, 2025 — Dahil sa sobrang dami ng nanonood, ang Liwanag sa Dilim, ang original Filipino musical na tampok ang mga iconic na kanta ni OPM legend Rico Blanco, ay extended na hanggang May 4! Inanunsyo ito ng theater company na 9 Works Theatrical.
Originally, mas maaga sanang magla-last curtain call ang show, pero nadagdagan ito ng dalawang performances: isang 8 p.m. show sa May 3 at isang 3 p.m. matinee sa May 4. Gaganapin pa rin ang mga bagong show dates sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati.
“Totoo nga ang chismis. MAS EXTENDED PA ang ‘Liwanag sa Dilim.’ MUST CLOSE MAY 4!” ayon sa post ng 9 Works Theatrical sa social media, na lalong nagpasaya sa fans ng musical at ng local theater scene.
May mga bagong mukha rin na makakasama sa cast mula sa Sparkle GMA Artist Center. Si Anthony Rosaldo ang gaganap bilang Elesi sa May 3, 8 p.m. show, habang si Khalil Ramos ang mag-a-alternate sa role na ito sa May 4 show. Kasama rin sa lineup si Rita Daniela, na sasali sa cast para sa May 3 (3 p.m.) at May 4 (3 p.m.) performances.
Narito ang updated na cast lineup:
- May 3 (8 p.m.) – Anthony Rosaldo, CJ Navato, Nicole Omillo, Neomi Gonzales, Denzel Chang, at Fay Castro
- May 4 (3 p.m.) – Khalil Ramos, Vien King, Alexa Ilacad, Rita Daniela, Paji Arceo, at Lucylle Tan
Available na ang tickets via Ticket2Me.
Ang Liwanag sa Dilim ay latest production ng 9 Works Theatrical, na kilala na rin sa pagbibigay ng mga critically acclaimed musicals gaya ng Grease, Rent, La Cage aux Folles, Tick, Tick… Boom!, at Once On This Island. Kabilang sa full cast ang ilang kilalang theater actors tulad nina Arnel Carrion, Boo Gabunada, Jon Abella, Rica Laguardia, at marami pang iba.
Inaanyayahan ang mga fans na magpa-reserve na ng tickets habang may slots pa, dahil ito na ang huling pagkakataon para mapanood ang hit musical na ito.