Jackie Forster, ibinunyag ang umano’y pananakit ni Kyline Alcantara kay Kobe Paras

28 Abril 2025 — Nagsalita na si Jackie Forster, dating aktres at ina ng basketbolistang si Kobe Paras, ukol sa mga dahilan sa likod ng paghihiwalay ng kanyang anak at Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Sa isang video statement na inilabas noong Abril 27, inakusahan ni Forster si Alcantara ng toxic na pag-uugali at inangkin na naapektuhan umano nito nang labis ang mental health ni Kobe sa kabuuan ng kanilang relasyon.
“For someone who is supposed to be a mental health advocate, it bothers me to know that you have been playing with Kobe’s mental health throughout your relationship,” pahayag ni Forster.
Dagdag pa niya, kabilang sa mga naging kilos ni Alcantara ang “distorted stories” at “abusive” na pag-uugali na naging dahilan ng pagkasira ng relasyon.
Ibinunyag ni Forster na nagsimulang lumala ang kanilang relasyon matapos ang isang paglalakbay sa Estados Unidos noong Enero. Aniya, nagpakita umano si Alcantara ng mga “red flags” sa panahong ito na nauwi sa isang insidente na itinuring ni Forster na isang “unforgivable” na aksyon.
“Kobe gives his all. He’s generous. He sticks to one. But when he’s made to feel a certain way, he’s done,” ayon kay Forster.
Inakusahan din ni Forster si Alcantara ng pananakit kay Kobe sa gitna ng isang pagtatalo. “You were grabbing his phone, and you physically assaulted him in a manner that was provoking. Why would you do that? Why would you put Kobe in that position?” tanong niya.
Ipinahayag ni Forster ang kanyang pagsisisi sa hindi pakikinig noon sa mga babala ukol sa pag-uugali umano ni Alcantara. “I regret not listening to those warnings. Now I hope everyone who has the heart to truly comprehend the gravity of the deception of your ways now sees the real you,” aniya.
Umingay ang breakup rumors matapos mapansin ng mga netizen na nag-unfollow na sa Instagram sina Kobe at Kyline at tinanggal ang kanilang mga litrato bilang magkasintahan. Binatikos din ni Forster ang kampo ni Alcantara sa umano’y pagpapakalat ng maling kwento upang protektahan ang imahe ng aktres.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Alcantara at ang kanyang pamilya ukol sa mga paratang ni Forster. Patuloy ang pag-uusap ng publiko online hinggil sa isyung kinasasangkutan ng dalawa.
(Larawan mula sa jackie_forster (IG))