Trump nagpataw na ng bagong taripa sa Pilipinas, 20 pang ibang bansa
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-07-10 09:11:14
HULYO 10, 2025 — Naghigpit ang U.S. sa mga patakaran sa kalakalan matapos mag-anunsyo ang administrasyon ni Trump ng malawakang pagtaas ng taripa sa 21 bansa, kasama ang Pilipinas, Iraq, at Libya. Magkakabisa simula Agosto 1 ang mga bagong buwis na 20% hanggang 40% sa mga produktong inaangkat mula sa mga bansang ito — isa sa pinakamapanghamong hakbang ni Trump pagdating sa kalakalan.
Sa mga liham na ipinadala noong Hulyo 9, nagkumpirma ang White House na 20% ang taripa sa Pilipinas, habang 30% naman ang sa Libya, Sri Lanka, Iraq, at Algeria. Mas mababa ang 25% para sa Moldova at Brunei. Kasunod ito ng naunang abiso sa mga malalaking ekonomiya sa Asya tulad ng Japan (25%), South Korea (25%), Thailand (36%), at Indonesia (32%).
Nagmula ang desisyong ito sa patakaran ni Trump na "reciprocal tariffs," na unang inilabas noong Abril pero pansamantalang ipinagpaliban para sa negosasyon. Ngayong tapos na ang 90-day grace period, tuloy na ang pagtaas, at walang balak magpatalo ang administrasyon.
"As far as I’m concerned, we’re done," sabi ni Trump sa mga reporters noong Hulyo 7.
(Para sa akin, tapos na ang usapan.)
Iginiit din ni White House Press Secretary Karoline Leavitt na karapatan ng pangulo ang pagpataw ng taripa.
Kung hindi makakakuha ng exemption ang isang bansa, idaragdag ang bagong taripa sa existing na 10% na buwis ng U.S.
Binalaan pa ni Trump sa kanyang liham ang mga lider na anumang ganting pagtaas ng taripa ay lalo lang magpapabigat sa sitwasyon nila: "If for any reason you decide to raise your Tariffs, then, whatever the number you choose to raise them by, will be added onto what the U.S. intends to charge."
(Kung sakaling magpasiya kayong magtaas ng inyong taripa, anumang halaga ang itataas ninyo, idaragdag lang iyon sa singil ng U.S.)
Sa ngayon, ang U.K., Vietnam, at China pa lang ang nakapagkasundo para maiwasan ang pagtaas.
Ang pinakabagong mga taripa ay may ilang pagbabago mula sa unang proposal ni Trump noong Abril 2 . May mga bansang nakatanggap ng bahagyang bawas, habang ang iba ay mas malaki ang pagtaas. Kabilang sa mga pangunahing pagbabago ang:
Philippines: 20% (up from 17%)
Iraq: 30% (down from 39%)
Cambodia: 36% (down from 49%)
Sri Lanka: 30% (down from 44%)
Brunei: 25% (up from 24%)
Bangladesh: 35% (down from 37%)
Japan & South Korea: 25% (no change for Korea, Japan up from 24%)
Wala na gaanong panahon ang natitira para sa last-minute negotiations bago mag-August 1 deadline, bagamat may ilang analyst na nagsasabing maaari pang magbigay ng konsesyon si Trump sa mga strategic allies. Pero dahil itinuturing ng administrasyon na 'non-negotiable' ang mga pagtaas ng taripa, wala na halos choice ang mga apektadong bansa kundi tanggapin ang dagdag-gastos o gumanti, na maaari namang magdulot ng mas malalang tensyon.
Inaasahang lalala ang relasyon ng U.S. sa ilang mga partners nito, lalo na sa Southeast Asia at Africa, kung saan umaasa ang kanilang ekonomiya sa American markets. Halimbawa, ang Pilipinas na nag-e-export ng electronics, machinery, at agricultural products sa U.S., ngayon ay haharapin na ang mas mataas na hadlang. Samantala, ang Iraq — na ngayon ay humaharap sa political instability — ay posibleng maapektuhan ang oil at manufacturing sectors nito.
Nakaligtas naman ang karamihan sa mga European nations, pero ang pag-include sa Moldova (25%) ay nagpapakitang handa rin ang administrasyon na targetin ang maliliit na ekonomiya.
Habang papalapit ang November election, nananatiling core policy ni Trump ang mga trade policy na ito. Nagpapatibay ito sa kanyang "America First" doctrine pero may risk ito na maka-alienate ng matagal nang trade partners.
(Larawan: Yahoo Finance / YouTube)
