Diskurso PH
Translate the website into your language:

Viral: Rachel Brosnahan, di tumigil sa paghalik kahit tapos na ang eksena sa behind the scene ng ‘Superman’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-16 21:35:20 Viral: Rachel Brosnahan, di tumigil sa paghalik kahit tapos na ang eksena sa behind the scene ng ‘Superman’

Viral sa social media ang usap-usapan matapos kumalat ang behind-the-scenes video mula sa pelikulang Superman ni James Gunn kung saan makikitang nagpatuloy si Rachel Brosnahan, gumanap bilang Lois Lane, sa paghalik kay David Corenswet na siyang gumanap bilang Clark Kent, kahit na sumigaw na ng “cut!” ang direktor.

Ang eksenang kuha ay bahagi ng romantikong tagpo kung saan umuwi si Clark mula sa trabaho at sinalubong ni Lois sa kusina. Sa naturang sequence, buhat ni Clark si Lois sa ibabaw ng counter at nagbahagi sila ng matamis na halikan. Ngunit ang nakatawag-pansin sa publiko ay nang magpatuloy si Brosnahan sa paghalik matapos ang senyas na tapos na ang kuha.

Naging mitsa ito ng mainit na debate online hinggil sa pagiging “propesyonal” ng ginawa ng aktres. May ilan na nagsasabing bahagi lamang ito ng natural na chemistry at pagdadala ng karakter, samantalang ang iba nama’y naniniwalang ito ay lumampas na sa hangganan ng acting.

Lalong uminit ang usapin nang mapansin ng mga netizen na nilike umano ng asawa ni Brosnahan na si Jason Ralph ang isang komento sa Instagram na tinutukoy siyang “cuck” dahil sa pagiging malapit ng kanyang misis sa co-star nito.

Kasabay nito, naglipana ang mga memes at iba’t ibang reaksyon online kung ano raw ang magiging damdamin ng isang tao kung sila ang nasa posisyon ni Corenswet o ni Ralph.

Sa gitna ng kontrobersya, nananatiling hati ang opinyon ng publiko—may nagsasabing ito ay bahagi lamang ng Hollywood publicity at walang dapat gawing isyu, ngunit may iba ring naniniwala na dapat igalang ang malinaw na limitasyon sa pagitan ng pag-arte at personal na kilos.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Brosnahan, Corenswet, o maging kay Ralph, ngunit malinaw na isa na namang diskusyon tungkol sa hangganan ng pagiging propesyonal sa showbiz ang muling nabuksan. (Larawan: Google / IMDb)