Neil Arce, buong suporta sa pagpasok ni Joaquin sa PBB: 'Time to shine”
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-23 22:45:58
Oktubre 23, 2025 – Buong suporta ang ipinahayag ng businessman at film producer na si Neil Arce para sa kanyang anak na si Joaquin Arce, matapos itong opisyal na mapabilang sa mga housemates ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.”
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Neil ang maikli ngunit makahulugang mensahe para sa anak, na kinilala bilang PBB’s “Rising Star ng Muntinlupa.” “Gonna miss you, child. Time to shine!” ani Neil.
Si Joaquin, isang Star Magic talent, ay kabilang sa unang dalawang housemates na ipinakilala kasama ang Sparkle artist na si Sofia Pablo. Sa isang panayam, inamin ni Joaquin na isa siyang malaking tagahanga ng palabas kaya’t napagdesisyunan niyang sumali sa bagong season.
“I watched last season. I’m a huge fan of ‘PBB’ as a show. So I decided, why not give it a try?” wika ni Joaquin.
Aniya rin, pinaghahandaan na niya ang mga bagay na mamimiss niya mula sa labas ng bahay ni Kuya. “I hang out with as much friends as possible. Of course keeping quiet, but in my mind, ‘Oh I’m not going to see them for a while.’ Parang kailangan kong mag-hang-out sa family ko, sa mom ko, sa dad ko,” dagdag pa niya.
Ang bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” ay kasunod ng matagumpay na “Celebrity Collab Edition” na unang nagtipon ng Kapamilya at Kapuso celebrities sa iisang bahay. Unang ipinalabas ito noong March 2025 at nagtapos noong July 2025, kung saan itinanghal na Big Winners ang tambalang BreKa nina Mika Salamanca (Sparkle) at Brent Manalo (Star Magic).
Ang “Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.0” ay mapapanood simula October 25, tuwing weekdays sa 9:40 p.m., Saturdays sa 6:15 p.m., at Sundays sa 10:05 p.m., kasama ang mga hosts na sina Bianca Gonzalez-Intal, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Alexa Ilacad, Enchong Dee, Gabbi Garcia, Robi Domingo, at Mavy Legaspi.
