Diskurso PH
Translate the website into your language:

“Ayoko ng Sugal!” — Paulo Avelino, walang preno ang sagot sa harap ng Bingo Plus Booth

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-19 08:41:03 “Ayoko ng Sugal!” — Paulo Avelino, walang preno ang sagot sa harap ng Bingo Plus Booth

May pasabog na eksena sa Sinulog na mas mainit pa sa sikat ng araw! Akala niyo ba puro sayawan lang? Well, hindi nagpahuli ang ating leading man na si Paulo Avelino sa pagbibigay ng "shookt" moment sa mga nakasaksi.

Habang rumarampa ang float ng Wheeltek na sakay si Paulo, napadaan ito sa booth ng Bingo Plus. Todo-hype ang host, at dahil alam naman nating lahat ang chikang "KimPau" (Kim Chiu at Paulo Avelino), biglang hirit ang host ng:

“Paulo, dito sa booth kasama namin si Kim Chiu. Kim Chiu endorser ng Bingo Plus, dapat nandito ka!”

Take note: Wala naman talaga si Kim doon, binabanggit lang ang pangalan niya dahil endorser siya ng nasabing gambling app. Pero imbes na ngumiti lang o mag-“hi” sa camera ang ating lodi, mabilis pa sa alas-kwatro ang sagot niya:

“Ayoko ng sugal.”

O, ’di ba? BOOM. Tahimik ang lahat! Parang dumaan ang anghel na medyo badtrip.

Siyempre, hindi mapakali ang mga netizens. Bakit nga ba ganun katapang ang sagot ni Papa Paulo?

Prinsipyo over Promo? Marami ang pumalakpak kay Paulo. Sa gitna raw ng dami ng artistang kumakapit sa endorsements ng online sugal, heto si Paulo na nanindigan sa kung ano ang tama para sa kanya—kahit pa mawalan siya ng potential project o maging awkward ang paligid.

Paano na si Kim? Kilala nating lahat si Kim Chiu bilang isa sa mga main faces ng Bingo Plus. Kaya ang tanong ng bayan: Na-orient ba niya si Kim sa stand niya against gambling? O talagang walang personalan, trabaho lang kay Kim, prinsipyo naman kay Paulo?

Siya na ba ang “Anti-Gambling King”? Bihira sa showbiz ang ganito ka-straightforward. Hindi siya nag-disclaimer, hindi siya nag-joke. Diretsahan lang talaga!

Marami ang nagsasabing "sana all" ay may ganitong paninindigan. Pero hindi rin maiwasan ang kilig-awkward tension dahil kahit ayaw niya ng sugal, ang pangalan pa rin ni Kim ang naging mitsa ng usapan.

Kung kayo ang nasa posisyon ni Paulo, kaya niyo bang i-reject ang "gold" para sa prinsipyo, kahit ang rumored partner niyo ang endorser nito?