'I do not want to reconcile with my family': Brooklyn Beckham, diretsahang isiniwalat ang malalim na alitan sa pamilyang Beckham
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-20 14:41:33
Tuluyan nang binasag ni Brooklyn Peltz Beckham, panganay ng celebrity power couple na sina David at Victoria Beckham, ang kanyang katahimikan hinggil sa matagal nang usap-usapang alitan sa kanilang pamilya—at malinaw ang kanyang naging pahayag: wala siyang intensyong makipag-ayos sa ngayon.
Sa isang mahaba at emosyonal na post sa Instagram, kung saan mayroon siyang mahigit 16.2 million followers, hayagang sinabi ng 26-anyos na si Brooklyn:
“I do not want to reconcile with my family.”
Ayon kay Brooklyn, hindi raw ito simpleng tampuhan lang ng magulang at anak. Aniya, matagal na umano niyang nararamdaman ang pagkontrol ng kanyang mga magulang sa mga lumalabas na kuwento sa media, pati na rin ang pakikialam sa kanyang relasyon sa asawang si Nicola Peltz Beckham.
“I’m not being controlled, I’m standing up for myself”
Wedding Dress Issue at ‘Hijacked’ First Dance
Nicola, ‘Disrespected’ Daw ng Kanyang Pamilya
“Brand Beckham Comes First”
Anxiety, Distance, at Kapayapaan
Walang Tugon Mula sa Kampo ng Beckham
Tanong ng Marami: May Pag-asa Pa Ba?
May puwang pa ba para sa pagkakasundo ng pamilyang Beckham—o tuluyan na itong tuldukan?
Mariing itinanggi ni Brooklyn ang mga haka-hakang siya raw ay kontrolado ng kanyang asawa. Sa halip, iginiit niyang ngayon lang daw niya piniling ipaglaban ang sarili:
“I’m not being controlled, I’m standing up for myself for the first time in my life.”
Dagdag pa niya, matagal na raw sinusubukan ng kanyang pamilya na sirain ang relasyon nila ni Nicola—isang isyung aniya ay nagsimula pa bago pa man sila ikasal noong 2022.
“My parents have been trying endlessly to ruin my relationship since before my wedding, and it hasn't stopped.”
Isa sa mga pinaka-sensitibong detalye na ibinahagi ni Brooklyn ay ang isyu sa wedding dress ni Nicola. Ayon sa kanya, labis umanong nasaktan ang kanyang asawa nang biglang umatras ang kanyang ina sa paggawa ng gown:
“My mum cancelled making Nicola’s dress in the eleventh hour despite how excited she was to wear her design, forcing her to urgently find a new dress.”
Hindi rin dito nagtapos ang mga alegasyon. Ikinuwento rin ni Brooklyn ang isang pangyayari sa kanilang kasal na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala—ang umano’y pag-agaw ng kanyang ina sa kanilang first dance bilang mag-asawa.
“She hijacked my first dance with Nicola and danced inappropriately on me in front of hundreds of guests.”
Ayon pa sa kanya, ang insidenteng ito ang isa sa mga pinakanakakahiyang karanasan niya:
“I had never felt more uncomfortable or humiliated in my life.”
Hindi rin pinalampas ni Brooklyn ang umano’y pagtrato ng kanyang pamilya kay Nicola. Ayon sa kanya, paulit-ulit umanong nabastos ang kanyang asawa at maging sa mga family events ay tila isinantabi ito.
Isa sa mga binanggit niya ay ang umano’y hindi pag-imbita kay Nicola sa ika-50 kaarawan ni David Beckham:
“My wife has been disrespected by my family.”
Sa isa sa pinaka-matapang na bahagi ng kanyang pahayag, sinabi ni Brooklyn na pakiramdam niya ay mas inuuna raw ng kanyang pamilya ang kanilang public image kaysa sa tunay na damdamin ng kanilang mga anak:
“My family values public promotion and endorsements above all else. Brand Beckham comes first.”
Ibinahagi rin ni Brooklyn na lumaki raw siyang may dinadalang “overwhelming anxiety”, dulot ng pressure at tensyon sa loob ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila ng desisyong lumayo, sinabi niyang ngayon lang daw niya tunay na naranasan ang kapayapaan.
“I grew up with overwhelming anxiety, but now I have found peace.”
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina David at Victoria Beckham hinggil sa mga mabibigat na akusasyon ng kanilang anak. Hindi rin agad tumugon ang kanilang mga kinatawan sa mga panayam hinggil sa isyu.
Matapos ang mga pahayag na ito, isang malaking tanong ang nananatili:
Sa ngayon, malinaw ang isang bagay: para kay Brooklyn, ang kapayapaan at ang kanyang asawa ang kanyang piniling unahin.
