Diskurso PH
Translate the website into your language:

MUSIC SCENE: May pasabog! BINI at SB19, papasok na sa Weverse?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-03-12 14:04:44 MUSIC SCENE: May pasabog! BINI at SB19, papasok na sa Weverse?

Nagbigay ng matinding excitement sa mga P-Pop fans matapos maglabas ng teaser ang South Korean fandom platform na Weverse tungkol sa dalawang bagong artists na sasali sa kanilang “super app.”

Sa kanilang opisyal na social media accounts noong March 11, nagbahagi ang platform ng silhouettes ng walong babae at limang lalaki—isang clue na agad iniugnay ng netizens sa P-Pop groups na BINI at SB19.

Pero tanong ng marami: sila nga ba talaga ang tinutukoy ng Weverse? O may isa pang P-Pop group na biglang magugulat ang fans sa official reveal?

Ang Weverse ay isang global fan community platform na dinevelop ng HYBE kung saan direktang nakikipag-interact ang artists sa kanilang fans sa pamamagitan ng posts, live updates, at exclusive content.

Sa caption ng kanilang teaser, sinabi ng app:

“Making history and heating up many global online platforms, the two hottest P-POP groups are finally coming to Weverse.”

Dagdag pa nila ang ilang achievements na lalong nagpalakas sa hinala ng fans:

  • “The first-ever Filipino artist to enter the Spotify Global Top Artist Chart.”

  • “The first-ever Southeast Asian artist to enter the Billboard Year-End Social 50 Top 10.”

Dahil dito, mas lalong naging kumbinsido ang netizens na BINI at SB19 nga ang tinutukoy.

Ngunit may isa pang tanong ang fans: ano kaya ang magiging epekto nito sa P-Pop scene kapag tuluyan silang pumasok sa isang global fandom platform tulad ng Weverse? Mas lalo bang lalawak ang international reach ng P-Pop?

Hindi na rin napigilan ng fans ang kanilang excitement sa social media.

No because the ONLY reason na hindi dinidelete ang Weverse ko is because of TREASURE and now SB19 na rin aaaaa,” saad ng isang fan.

Grabe magagamit ko na ulit Weverse ko,” komento naman ng isa.

May ilan ding pabirong reaksyon mula sa netizens:
Balita ko magagaling daw yan sila eh.

Kung makukumpirma nga, makakasama ng mga P-Pop stars ang ilang malalaking K-Pop acts sa platform tulad ng Tomorrow X Together, BTS, BLACKPINK, Winner, at Treasure.

Isa pang tanong ng fans ngayon: magkakaroon kaya ng exclusive content, lives, o fan interactions ang dalawang P-Pop groups sa platform?

Nakatakdang ilabas ng Weverse ang opisyal na announcement sa March 12—kaya naman nakaabang ngayon ang fans kung BINI at SB19 nga ba ang susunod na magiging bahagi ng global fandom app.