Jake Cuenca at Sophia Andres magkasamang nag dinner, sino kayang pinag chichismisan?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-03-20 10:51:45
Usap-unapan ngayon sa mundo ng showbiz ang tila kumpirmadong pagtatapos ng relasyon sa pagitan ng aktres na si Chie Filomeno at ng bilyonaryong negosyante na si Matthew Lhuillier. Matatandaang huling bahagi pa ng nakaraang taon nang pumutok ang balita tungkol sa kanilang romansa, na nabahiran pa ng intriga dahil sa umano’y "overlapping" sa relasyon ni Chie sa aktor na si Jake Cuenca.
Lalong uminit ang usapan matapos mag-post ang aktres na si Sofia Andres ng isang larawan ng kanilang "catch-up dinner" kasama si Jake Cuenca. Ayon sa caption ng kanilang kaibigan na si Ann Guiao-Tirona, ito ang dinner na "finally made it out of the group chat." Dahil pinsan ng partner ni Sofia na si Daniel Miranda si Matthew Lhuillier, hindi naiwasan ng mga netizens na mag-isip kung ang naging breakup ba ang pangunahing putahe sa kanilang mesa.
Ano nga kaya ang mga "secret details" na ibinahagi ni Sofia kay Jake tungkol sa kanyang pinsan at sa dating karelasyon ng aktor?
May mga bulung-bulungan din na ang pamilya raw ng bilyonaryo ang hindi pabor sa sexy star. Bagama’t sinikap daw ni Chie na mag-adjust at maging "classy" sa kanyang image noong sila pa ni Matthew, tila hindi pa rin ito naging sapat para magtagal ang kanilang ugnayan. Sa ngayon, balik sa "usual work" at pag-post ng kanyang mga nakaka-wow na photos ang aktres, na tila nagpapahiwatig na moved on na siya.
Totoo nga bang "family disapproval" ang tunay na mitsa ng kanilang split, o sadyang hindi lang talaga sila para sa isa’t isa?
Sa kabilang banda, nanatiling matapang si Jake Cuenca sa kanyang mga pahayag noon na wala silang pormal na "breakup" ni Chie dahil malalim ang kanyang naging pagmamahal dito. Inamin ng aktor na dumaan siya sa matinding sakit, ngunit pinili niyang maghilom sa sarili niyang paraan. Ngayong kumpirmadong "single" na ulit si Chie at nagkakasama na muli sa dinner sina Jake at Sofia, marami ang nag-aabang kung may "second chance" pa bang magaganap.
