Slater Young speaks up: "Hindi kami ang dahilan ng baha!"
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-04-20 09:50:45
Matapos ang mahabang pananahimik habang binabayo ng batikos, heto na at nagsalita na ang celebrity engineer na si Slater Young tungkol sa mainit na isyu ng Monterrazas de Cebu. Matatandaang naging "pambansang punching bag" si Slater matapos isisi sa kanyang luxury condo project ang malubhang pagbaha sa Cebu noong nanalasa ang Typhoon Tino. Pero ang tanong ng marami: sapat na nga ba ang paliwanag niya para kumalma ang mga nagngingitngit na netizens?
Sa kanyang Instagram video nitong April 19, diretsahang itinanggi ni Slater na ang kanilang proyekto ang dahilan ng trahedya. Ayon sa kanya, lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa UP Diliman na "science" ang magpapatunay na inosente sila. Sa katunayan, nakatulong pa nga raw ang kanilang mga detention ponds para mabawasan ang agos ng tubig.
Inamin din ni Slater na hindi naging madali ang huling ilang buwan para sa kanilang pamilya. Masakit daw na nadamay pati ang kanyang mga anak sa mga "hurtful" na comments online. Pinili lang daw nilang manahimik habang gumugulong ang imbestigasyon ng DENR. Ngayong binigyan na sila ng green light na ituloy ang development, tila handa na si Slater na rumesbak sa mga nagpapakalat ng "misinformation." Sa tingin niyo ba, valid ang pagiging "silent" niya noon, o strategy lang ito para palamigin ang ulo ng publiko bago bumalik sa business?
Kahit nagbayad na ng fine ang Mont Property Group para sa ilang violations noong Pebrero, kampante si Slater na ang kanilang system ay "doubled the standards" pa pagdating sa water management. Nanindigan siya na ang katotohanan ay nasa panig nila at hindi sila mananatiling tahimik sa harap ng mga paninira. Isang malaking hamon ito sa mga kritiko: maniniwala ba kayo sa "independent study" na binida niya, o mananatiling kaduda-duda ang kalikasan vs. komersyo sa inyong paningin?
Sa huli, nagpasalamat si Slater sa mga kaibigan at supporters na hindi nang-iwan sa kanila sa gitna ng unos—literal at figureative. Ngayong tapos na ang "radio silence," asahan nating mas magiging vocal na ang kampo nila sa pagtatanggol sa Monterrazas. Ano sa palagay niyo, mga Chika-fans? Isang malaking 'case closed' na ba ito, o simula pa lang ng mas malalim na diskurso tungkol sa environmental safety sa Queen City of the South?
