Diskurso PH
Translate the website into your language:

Comelec inilunsad ang online precinct finder para sa halalan 2025

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-04-23 11:53:56 Comelec inilunsad ang online precinct finder para sa halalan 2025

Abril 23, 2025 — Inilunsad na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang online precinct finder para sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025.

Maaaring ma-access ang online tool sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph, kung saan maaaring malaman ng mga rehistradong botante ang kanilang polling place, precinct number, at voter status sa pamamagitan ng paglalagay ng buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at lugar ng rehistrasyon.

Batay sa tala ng Comelec noong Enero 23, 2025, may kabuuang 69,673,655 rehistradong botante para sa darating na halalan. Makikita rin sa platform kung aktibo o hindi ang status ng isang botante.

Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang kahalagahan ng online tool sa pagbibigay ng gabay sa mga botante. “We will make available the precinct finder. Therefore, even if you have a copy of the VIS, you can still look up your name, precinct, and what elementary school you should go to to cast your vote. That will be available [online] 24 hours a day at least two weeks before the election,” pahayag ni Garcia.

Kasabay nito, sinimulan na rin ng Comelec ang nationwide distribution ng Voter’s Information Sheet (VIS) na naglalaman ng pangalan ng botante, address, lugar ng pagboto, at listahan ng mga kandidato—mula pambansa hanggang lokal, kabilang ang mga party-list group.

“We hope voters will bring the VIS and use it as a guide when voting. Do not rely on sample ballots because first of all, that is illegal. Campaigning a day before Election Day is not allowed. Second, the voter's name may be misspelled or the precinct number may be wrong in the sample ballots being given out. It is better to use the VIS,” dagdag ni Garcia.

Ang pamamahagi ng VIS ay isinasagawa ng mga non-partisan temporary employees upang matiyak ang integridad ng proseso. Target ng Comelec na makumpleto ang distribusyon bago mag-Abril 31, 2025.

Nakatakda ang halalan sa Mayo 12, 2025, habang ang overseas voting ay mula Abril 13 hanggang Mayo 12 at ang local absentee voting ay itinakda mula Abril 28 hanggang 30.