Diskurso PH
Translate the website into your language:

Presyo ng langis sisirit muli dahil sa global supply issues

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-06-06 11:04:59 Presyo ng langis sisirit muli dahil sa global supply issues

Hunyo 6, 2025 — Dapat nang paghandaan ng mga motorista ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga industry source, dahil sa patuloy na geopolitical tensions at supply disruptions.

Ayon sa Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB), inaasahang tataas ang presyo ng gasolina sa pagitan ng ₱0.15 hanggang ₱0.60 kada litro, habang ang diesel ay posibleng tumaas ng ₱0.50 hanggang ₱0.90 kada litro. Aasahan din ang pagtaas ng presyo ng kerosene sa pagitan ng ₱0.25 hanggang ₱0.40 kada litro.

Ang mga price adjustment ay ibinibintang sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang hindi tiyak na kalagayan ng U.S.-Iran nuclear deal, at mga wildfire sa Canada na nakaapekto sa produksyon ng langis. Bukod pa rito, bumaba rin ang oil inventory ng U.S. nang higit sa inaasahan, dahilan para lalo pang sumikip ang global supply.

"Firmer demand for gasoline and diesel, with the start of the summer driving season in northern hemisphere countries, and lower regional supply due to ongoing refinery maintenance and persistently low outflows from China, have further supported prices," paliwanag ni Jetti Petroleum President Leo Bellas.

Ngayong linggo, magkahalo ang galaw ng presyo ng langis: tumaas ng ₱0.40 kada litro ang gasolina, ₱0.30 kada litro ang diesel, habang bumaba naman ng ₱0.10 kada litro ang kerosene.

Pinayuhan ng DOE ang mga motorista na bantayan ang opisyal na anunsyo mula sa mga kumpanya ng langis. Inaasahang iaanunsyo ang final price adjustments sa Lunes at ipatutupad ang mga pagbabago sa Martes.