Diskurso PH
Translate the website into your language:

Maloloka kayo sa presyo ng 38, hindi 28 na luxury cars ng mga Discaya!

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-01 17:11:56 Maloloka kayo sa presyo ng 38, hindi 28 na luxury cars ng mga Discaya!

MANILA — Habang iniimbestigahan ng Senado ang umano’y iregularidad sa ₱545 bilyong flood control projects, lumitaw ang isyu ng marangyang pamumuhay nina Sarah at Curlee Discaya, na tinaguriang “King at Queen of Flood Projects.”

Muling nabuhay ang usapin tungkol sa koleksiyon ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. Sa kanilang naunang panayam kay Julius Babao noong Setyembre 17, 2024, lumitaw na may 38 luxury vehicles sila sa kanilang fleet, higit sa 28 na kanilang iginiit sa pagdinig. Narito ang nakakalulang presyo ng bawat sasakyan at ang kanilang mga natatanging tampok.

Imported Exclusives: Ang Bawal sa Showroom, Legal sa Diskaya Garage

Hindi karaniwang makikita sa Philippine dealerships ang ilan sa mga ito ngunit tila walang hadlang sa Discayas. Narito ang ilan sa mga import only na yaman:

  • Cadillac Escalade (Black at White, ₱19.8M bawat isa) – Ang paboritong SUV ng mga Hollywood star, puno ng high-tech ride control at platinum trim.

  • Lincoln Navigator (Black at White, ₱12M–₱16M) – May 30-way massage seats at panoramic roof, halos mansyon na sa loob.

  • Toyota Tundra (₱5.5M–₱6.5M) at Ford Bronco (₱5.5M–₱6.5M) – Mga off-road beasts na bihirang makita sa lokal na kalsada.

  • Jeep Grand Wagoneer (₱7M–₱8M) at Infiniti QX80 (₱6.5M–₱7.5M) – Pinapaganda ang ride ng McIntosh sound system at V8 engine.

  • Genesis GV80 (₱2.8M–₱3.5M) at Kia Telluride (₱3.8M–₱4.2M) – Mga Korean gems na paborito sa US ngunit wala sa local dealerships.

Lumabas din sa pagdining ng Senado na iniimbestigahan na rin ng Bureau of Customs ang dalawang car dealers na nag-supply ng mga sasakyan sa Discaya family—ang Frebel Enterprises at Auto Art—dahil sa umano’y smuggling ng high-end vehicles gaya ng Bugatti Chiron na nagkakahalaga ng ₱170 milyon bawat isa.

European Royalty on Wheels 

Kapag luho ang usapan, hindi mawawala ang Europe. Sa garahe ng Discayas, makikita ang ilan sa pinakamamahaling sasakyan ng kontinente:

  • Rolls-Royce Cullinan (₱33M–₱58.9M) – May Hermes Orange interior at sikat na umbrella-in-door feature.

  • Bentley Bentayga (₱14.5M–₱21M) – May champagne decanter at handcrafted wood, tila hotel on wheels.

  • Range Rover Line (₱6.69M–₱32.49M) – Vogue, Sport, at Velar, simbolo ng status at kapangyarihan.

  • BMW X7 (₱10.59M) at BMW X5 (₱5.99M–₱8.89M) – German precision na may Harman Kardon audio.

  • Audi Q8 (₱6.5M–₱8.5M), Q7 (₱7.49M), Q5 (₱5.65M–₱5.75M) – May Bang & Olufsen sound at HD Matrix LED lights.

  • Mercedes-Benz G63 AMG (₱15M–₱18M) – Iconic na “box-type” SUV na paborito ng mga celebrity.

SUVs na Status Symbol 

Puno rin ng full-size SUVs ang koleksyon mula sa Japanese durability hanggang American toughness:

  • Chevrolet Suburban (₱8.6M–₱9.6M) at Chevrolet Tahoe (₱7.7M–₱8.7M) – Malalaki, pang-pamilya, pero may presyo ng mansyon.

  • Ford Expedition (₱6.8M–₱7.5M) at Ford F-150 Raptor (₱4.5M–₱5.5M) – EcoBoost at Baja-ready suspension para sa malupit na biyahe.

  • Toyota Land Cruiser (₱5.39M–₱5.72M) at Lexus LX 600 (₱10.8M–₱11M) – Kilala sa tibay at hydraulic suspension.

  • Lexus GX (₱6.5M–₱7.5M) at Nissan Patrol Royale (₱4.75M) – Panlaban ng Japan sa luxury off-road segment.

  • Toyota Sequoia (₱6.5M–₱7.5M) – Hybrid SUV na bihirang makita rito.

  • Hyundai Palisade (₱3.98M) – May fingerprint start, dagdag futuristic feel.

Electric at Hybrid Elite 

Hindi rin nagpahuli sa makabagong teknolohiya ang Discaya garage:

  • Tesla Model X (₱8.5M–₱9.5M) – May falcon-wing doors at 1,020 horsepower.

  • Tesla Model Y (₱2.369M–₱3.299M) – May gaming screen at higit 500 km range.

  • Toyota Alphard (₱4.67M–₱4.69M) at Toyota Hiace Super Grandia (₱2.9M–₱3.3M) – Hybrids na paborito ng mga negosyante at VIPs.

Kung pagbabatayan ang presyo, aabot sa mahigit ₱300 milyon ang halaga ng koleksyon na ito. Ngunit ayon sa mga datos, barya lamang ito kung ikukumpara sa kontratang hawak ng pamilya.

Ang Discaya construction firms ay nakakuha ng kabuuang ₱25.2 bilyon na flood control projects mula Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagitan ng Hulyo 2022 at Mayo 2025.

Habang iginiit ni Sarah Discaya na hiwalay ang kanilang negosyo sa isyu ng flood control projects, mahirap hindi magtaka kung ang 38 luxury cars na ito ay bahagi ng mas malaking larawan ng umano’y sistematikong korapsyon.