Diskurso PH
Translate the website into your language:

Malaking pasabog sa Martes! Mga ebidensyang hawak ni Hernandez laban sa mga mambabatas, bubuksan ng Senado

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-09-21 15:20:29 Malaking pasabog sa Martes! Mga ebidensyang hawak ni Hernandez laban sa mga mambabatas, bubuksan ng Senado

SETYEMBRE 21, 2025 — Magsisimula ngayong Lunes ang pagbubunyag ng mga dokumento at computer files na maaaring maglaman ng ebidensiya laban sa ilang senador kaugnay ng kontrobersyal na proyekto sa flood control.

Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na dadalhin sa Blue Ribbon Committee ang mga materyales mula kay Brice Hernandez, dating assistant engineer ng DPWH sa Bulacan, na kasalukuyang nakakulong sa Senado matapos ma-contempt.

Pinayagan si Hernandez ni Senate President Vicente Sotto III na pansamantalang lumabas ng Senado nitong Sabado upang kunin ang mga dokumentong sinasabing mag-uugnay kina Senador Jinggoy Estrada, Senador Joel Villanueva, at dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy sa iregularidad sa proyekto.

Ayon kay Lacson, mahalagang masigurong maayos ang paghawak sa mga ebidensiya upang hindi ito matanggihan sa korte. 

“We need to preserve the chain of custody so that when these documents contain serious evidence and it reaches the court, everything will be clear, the chain of custody will not be broken,” aniya. 

(Kailangang mapanatili ang tamang proseso ng paghawak sa ebidensiya para kapag ito'y umabot sa korte, malinaw ang lahat at hindi masisira ang chain of custody.)

Dagdag pa ni Lacson, dinala ni Hernandez ang mga dokumento at isang computer, ngunit nananatiling nakaselyo ang mga ito. 

“We’re putting everything in order. He brought documents, a computer … we’ll follow a process so that tomorrow we can unseal them,” paliwanag niya. 

(Inaayos namin ang lahat. May dala siyang mga dokumento, isang computer … susundin namin ang proseso para bukas ay mabuksan na ito.)

Inaasahang ilalantad ang nilalaman ng mga ebidensiya sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Martes, Setyembre 23. Sinabi ni Lacson na posibleng may mga bagong detalye ring lumutang sa naturang pagdinig.

“Brice was holding back to tell all because he said he did not want to point at anybody without evidence,” ani Lacson. 

(Nagpigil si Brice sa pagsisiwalat dahil ayaw niyang magsangkot ng sinuman nang walang ebidensiya.)

(Larawan: Ping Lacson)