Robina Padilla, gustong buwagin ang senior high school
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-09-24 16:48:51
MANILA — Naghain ng panukalang batas si Senador Robin Padilla na layong buwagin ang Senior High School (SHS) component ng K to 12 program at ibalik ang dating estruktura ng basic education sa bansa.
Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill No. 2025, na may pamagat na “An Act Restructuring the Philippine Basic Education System by Abolishing the Senior High School Education, Amending Pertinent Provisions of Republic Act No. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013), and for Other Purposes.”
Sa kanyang explanatory note, iginiit ni Padilla na ang K to 12 program, partikular ang dagdag na dalawang taon ng SHS (Grades 11–12), ay hindi nagbunga ng inaasahang benepisyo sa mga mag-aaral.
“RA 10533 was enacted to align the Philippine education system with global standards,” paliwanag ng senador. “However, the K-12 program has faced criticisms for lack of readiness in implementation, added financial burden on families, and mismatch in preparing graduates for employment or higher education.”
Ayon sa panukala, hindi naging epektibo ang SHS sa pagpapataas ng employability at competency ng mga nagtapos. Sa halip, naging dagdag na pasanin ito sa mga magulang at estudyante, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan. “The extra two years did not yield significant improvements in employability or competency,” ayon pa sa dokumento.
Pangunahing Nilalaman ng Panukala
- Pag-abolish ng Senior High School (Grades 11–12) bilang bahagi ng basic education
- Pagpapanatili ng elementary at junior high school bilang pangunahing yugto ng edukasyon
- Pag-amyenda sa Republic Act No. 10533 upang iakma sa bagong estruktura
Samantala, nagpahayag ng suporta si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, na naghain din ng hiwalay na panukala na may kaparehong layunin. “We can’t keep letting students and their parents shoulder the extra time and cost of senior high school,” ani Estrada sa isang panayam.
Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), mababa ang employment rate ng SHS graduates, kung saan 10% lamang ang direktang nakapasok sa labor force, karamihan pa ay sa informal sector. Lumabas din sa Pulse Asia survey noong Marso 2025 na 40% ng mga respondent ay hindi nasisiyahan sa SHS program.
Inaasahang tatalakayin ang panukala sa mga susunod na pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, kung saan inaasahan ang mas malawak na konsultasyon sa DepEd, CHED, mga guro, magulang, at mag-aaral upang matukoy ang magiging epekto ng reporma sa sistema ng edukasyon.
