MGA BATANG LITRATISTA, SUMABAK SA “KRITIK-PITIK” PHOTOWALK
Systems Administrator Ipinost noong 2026-04-10 10:28:32
Napuno ng mga bagong sibol na litratista ang Social Hall ng Cebu City Hall noongMiyerkules, Abril 1, kung saan matagumpay na isinagawa ang “KRITIK-PITIK” photowalk na pinangunahan ng isang grupo ng mga kabataang nakabase sa Lungsod ng Cebu.
Halos limampung (50) estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ang dumalo sa naturangaktibidad upang matuto ng iba’t ibang teknik sa pagbuo ng kuwento gamit ang kanilangmga lente, at upang maipamalas ang kanilang angking talento sa larangan ng photography.
Bago tumungo sa Carbon Market, kung saan sila kumuha ng mga larawan para saphotowalk, nakinig muna ang mga kalahok sa isang lektyur mula sa isang eksperto saphotography na ginanap sa loob ng social hall. Hindi naging hadlang ang matinding initng panahon upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang layunin na makalikhang makabuluhang mga larawan. Matapos ang photowalk, isinumite ng mga litratista ang kanilang mga kuha sa mga tagapangasiwa upang suriin ng mga hurado. Bagama’t hindiito isang pormal na paligsahan, kinilala ang tatlong natatanging kalahok na nagpakita ng kahusayan at kakaibang pananaw sa kanilang mga likha.
Ang mga hurado sa nasabing aktibidad ay sina Lou Adrian Paghasian, isang school paper adviser at photojournalist; Elnar Pagao, isang kampeon sa photojournalism; at John Velez, isang kilalang personalidad sa Cebu media at photography.
Nanguna sa aktibidad si Lorie Jean Binondo bilang 1st place, sinundan ni Rhex Padaca sa2nd place, at pumangatlo si Fhil Kyle Intong.
Ibinahagi ni Kim Jamella Villamor, isa sa mga tagapangasiwa ng aktibidad, na layunin ng inisyatiba na maunawaan ng mga kalahok ang kuwento sa likod ng bawat larawangkanilang nakukuha, gayundin ang pagpapakita ng iba’t ibang istilo at perspektiba saphotography. Pinayagan din ang mga kalahok na gumamit ng anumang uri ng gadget tulad ng digicam, DSLR camera, mobile phone, o tablet, bilang patunay na hindinasusukat sa kagamitan ang husay sa pagkuha ng larawan kundi sa malikhaing pagtinginng litratista.
Sa kabuuan, pinatunayan ng “KRITIK-PITIK” na ang kabataang litratista ng Cebu ay may malalim na kakayahan at pananaw sa sining ng photography, na patuloy nanagbibigay-buhay sa mga kuwento ng komunidad sa pamamagitan ng kanilang mgalente. - John Velez
