800 Mabibenepisyuhan sa Libreng Medikal at Dental Mission sa Mabitac

June 7 - Isinagawa ngayong araw sa Mabitac, Laguna ang libreng medical at dental mission na may layuning makapagserbisyo sa humigit-kumulang 800 pasyente mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, University of Santo Tomas Manila, Medical Mission Inc., at Dominican Studentate Quezon City, katuwang ang LGU Mabitac, Rural Health Unit (RHU), at mga Barangay Health Workers (BHW). Ang misyon ay ginanap sa Paaralang Elementarya ng Mabitac.
Ayon sa talaan ng mga tagapagtaguyod, narito ang breakdown ng mga serbisyong inilaan para sa mga Mabitaqueño:
-
200 para sa Medical Consultation (Internal Medicine, Family Medicine, Pediatrics)
-
100 para sa OB-GYNE (serbisyo para sa buntis at reproductive health)
-
100 para sa Ophthalmology (sakit sa mata)
-
200 para sa Minor Surgery at Circumcision
-
100 para sa Dental Services
-
100 para sa ENT (tainga, ilong, lalamunan)
Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng mga institusyon na maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar at tugunan ang kakulangan sa access sa medikal na atensyon, lalo na sa mga maliliit na bayan gaya ng Mabitac.
Ulat Mula kay Roxan Mercado