Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bandage na kayang magsara ng sugat sa loob ng 15 segundo, naimbento ng mga Japanese Scientists

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-10 01:11:00 Bandage na kayang magsara ng sugat sa loob ng 15 segundo, naimbento ng mga Japanese Scientists

JAPAN — Isang makabagong bio-gel bandage ang binuo ng mga siyentipiko sa Japan na kayang magsara ng sugat sa loob lamang ng 15 segundo, kahit pa basa o dumudugo ang sugat.

Hindi tulad ng tradisyonal na bandages, direktang dumikit ang bio-gel sa tisyu, na agad humihinto sa pagdurugo at bumubuo ng proteksiyon laban sa impeksyon. Ang bilis at bisa nito ay lalong kapaki-pakinabang sa emergency medicine at sa mga sitwasyon sa labanan, kung saan ang agarang lunas ay kritikal.

Ginawa ang bio-gel mula sa isang advanced hydrogel blend na binubuo ng seaweed-derived alginate, calcium carbonate, at carbonated water. Bukod sa pagpigil sa muling pagbuka ng sugat, sinusuportahan din nito ang mas mabilis na paggaling.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang ganitong inobasyon ay maaaring magpabawas sa pangangailangan ng stitches sa maraming kaso, na magrerebolusyon sa paraan ng trauma care at surgical procedures sa buong mundo. Ayon sa kanila, malaki ang potensyal nitong baguhin ang emergency response sa mga aksidente at medikal na operasyon, at magdala ng mas ligtas at mabilis na pangangalaga sa mga pasyente. (Larawan: TechTimes / Fb)