Depensibo: US-PH na Ehersisyong Militar at Sistema ng mga Misil
Ipinost noong 2025-02-17 10:00:32Kamakailan ay hiniling ng China ang pag-aalis ng sistema ng Typhon missile mula sa Pilipinas na ipinalagay ng US.
Ang misil, na tinatawag na Tomahawk Cruise missile, ay maaaring tumarget ng mga lokasyon mula Pilipinas patungong China o Russia habang ang mga SM-6 missiles ay maaaring tumama sa mga target na panghimpapawid o pandagat na nasa mahigit 200 kilometro ang layo. Ang deployment ng misil na ito ay sagot sa patuloy na banta sa rehiyon at layuning tiyakin ang katatagan at seguridad.
Inilarawan ng Kagawaran ng Estado ng US ang mga ehersisyong militar ng PH at US bilang purely defensive. Layunin lamang nitong panatilihin ang kahandaan ng puwersa at mapanatili ang rehiyonal na seguridad lalo na't may mga ulat, na kinumpirma ng Philippine Coast Guard, na ang mga barko ng China ay papalapit o nasa loob ng Philippine Area of Responsibility. Nangako rin ang US na magpapatuloy sa pagtaas ng "economic cooperation" sa Pilipinas sa iba't ibang sektor bukod sa mga kolaborasyong militar.
Hindi tumugon ang Pilipinas sa kahilingan ng China na iurong ang missile at patuloy na binabantayan ang mga barko ng China na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility. Inakusahan ng Ministry of Defense ng China ang Pilipinas ng paglabag sa mga pangako sa pamamagitan ng missile system.
Samantala, nag-deploy ang Beijing ng mga ballistic medium at intermediate-range missiles na maaaring umabot ng 3000 km hanggang 5000 km. Ang mga missiles na ito ay dual-capable na maaaring gamitin para sa nuclear at conventional.
Patuloy na iginigiit ng Pilipinas na ang missile ay para lamang sa depensa at hindi para sa pag-atake, idinagdag pa na ang bansang Southeast Asia ay hindi kailanman nangakong iaatras ito.
Larawan: Walter Martin/Unsplash
