Diskurso PH

5.2 magnitude na lindol, naitala ng San Diego webcam


Mary Jane Barrera • Ipinost noong 2025-04-15 19:46:29
5.2 magnitude na lindol, naitala ng San Diego webcam

Abril 15, 2025 — Yumanig ang isang 5.2 magnitude na lindol sa loob ng San Diego County, California, nitong Lunes (April 14), ayon sa U.S. Geological Survey (USGS). Naganap ang lindol sa lalim na 13.4 kilometers (8.33 miles), at naramdaman ang pag-uga sa malawak na area—mula San Diego County, Orange County, hanggang sa Los Angeles County sa hilaga.

Nakuha ng Reuters ang webcam footage mula sa San Diego na nagpapakita ng epekto ng pagyanig. Na-verify ng news agency ang lokasyon ng video gamit ang hugis ng mga bundok, layout ng mga kalsada, anyo ng harbor, at pattern ng mga puno—ikinumpara ito sa mga lumang larawan at satellite imagery. Napatunayan din ang petsa ng video sa pamamagitan ng visible date stamp at mga opisyal na ulat na tumutugma sa lindol noong April 14.

Malapit sa epicenter ng lindol, sa mountain town ng Julian, iniulat ng San Diego County Sheriff's Office substation na walang naitalang sugatan o malalang pinsala. Pero may ilang localized na epekto. Ibinahagi ni Dylan Carniero, ang daytime manager ng Mountain Spirits Liquor Store, sa Reuters:

"It was the two minutes I went to hit the restroom and whatnot and like instantaneously just the aggressive shaking and I started hearing all the popping of the bottles hitting the ground (Two minutes lang ako nawala para mag-restroom at kung anu-ano pa, tapos bigla na lang 'yung matinding pagyanig. Sobrang bilis ng pangyayari—narinig ko na lang isa-isa 'yung mga bote na nagbabagsakan sa sahig)."

Nararamdaman ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, at maraming residente sa ilang counties ang nakaramdam ng pag-uga.

Larawan: San Diego Web Cam/Facebook