Pinuno ng NATO, Nanawagan mag Handa sa Posibleng Pag-atake ng Russia!

Maynila, Pilipinas- Nagpanawagan si NATO Secretary-General Jens Stoltenberg para sa mas mataas na na gastos pang-militar sa mga miyembero ng NATO at nagbabala na maaaring maglunsad ang Russia ng pag-atake laban sa isang miyembrong bansa ng NATO sa loob ng limang taon. Ang matinding babala ay nagpapataas ng presyon sa mga kaalyado na dagdagan ang paggasta sa depensa sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine.
Ipinahayag ni Stoltenberg ang kanyang pagkabahala nitong Lunes, Hunyo 9, 2025, sa isang forum sa London, na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mga bansa ng NATO na maghanda para sa isang mas mapanganib na hinaharap. "Kinakailangan natin ng isang quantum leap sa ating depensa," sabi ni Stoltenberg. "Ang Russia ay maaaring sumalakay sa isang miyembro ng NATO sa loob ng limang taon. Dapat tayong maging handa." Ang kanyang mga komento ay salamin ng lumalaking pagkabahala sa loob ng alyansa tungkol sa muling pagbangon ng militar ng Russia at ang pangmatagalang banta na ipiniprisinta nito.
Habang nilinaw ni Stoltenberg na hindi inaasahan ng NATO ang agarang pag-atake, binigyang-diin niya ang kritikal na kahalagahan ng pagpapalakas ng mga kakayahan sa depensa at pagpapanatili ng deterrence. Hinimok niya ang lahat ng miyembrong bansa na tuparin ang target ng NATO na maglaan ng hindi bababa sa 2% ng kanilang gross domestic product (GDP) para sa depensa na inaasahang matatamo ng lahat ng miyembro ng NATO sa pagtatapos ng taon. Minungkahi rin niya na sa kalaunan ay dagdagan ng mga miyembro ng NATO ang kanilang gastos sa depensa hanggang 5% ng kanilang GDP. Ito ay magbibigay-daan sa NATO na magkaroon ng sapat na mga military vehicles at ammunition, at dagdagan din ang kasalukuyang stock ng air at missile defense ng 400%.
Ang babala ay nagdagdag ng bigat sa mga talakayan tungkol sa hinaharap na paggasta sa depensa, lalo na habang naghahanda ang Europa para sa posibleng mga pagbabago sa geopolitical landscape. Ang mga opisyal ng NATO ay patuloy na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at paghahanda habang ang alyansa ay humaharap sa lumalaking hamon sa seguridad.