Philippine Navy, Tapos na ang pagsusuri sa Abukuma-Class Destroyer ng Japan
Ipinost noong 2025-08-21 20:36:03
JAPAN- Tapos nang inspeksyunin ng Philippine Navy ang Abukuma Class Destroyer sa Japan. Anim na ABUKUMA Class ang nakatakdang ibibigay ng Japan sa PHhilippine Navy upang matulongan ang Pilipinas sa pagdepensa at pagprotekta sa mga baybayin at karagatan ng Pilipinas.
Ito ang magiging unang pagkakataon na magbibigay ang Japan ng major surface warships sa ibang bansa. Para sa Pilipinas, ito’y malaking tulong sa pagpapatibay ng naval modernization program, lalo na sa harap ng lumalaking banta at tensyon sa West Philippine Sea.
Ang Abukuma-class destroyer escorts, ay unang ipinakilala ng Japan noong huling bahagi ng dekada 1980, ito ay may displacement na 2,000 hanggang 2,550 tonelada at habang 109 metro. Nilagyan ito ng 76mm Oto Melara main gun, Harpoon anti-ship missiles, ASROC anti-submarine rockets, torpedo tubes, at Phalanx CIWS para sa depensa laban sa eroplano at missile.
Bagama’t itinuturing nang may edad ang klase ng barkong ito, nananatili itong may mahusay na kakayahang pandepensa sa dagat, partikular sa anti-submarine at anti-ship warfare. Inaasahan ding tuluyang i-decommission ng Japan ang buong fleet ng Abukuma-class pagsapit ng 2027, kasabay ng pagpapalit nito ng mas modernong Mogami-class frigates.
Larawan-google
