Diskurso PH
Translate the website into your language:

Enrique Gil, binura ang “I love you” sa TikTok post ni Liza Soberano

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-08-16 09:34:16 Enrique Gil, binura ang “I love you” sa TikTok post ni Liza Soberano

MANILA — Usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pagbura ni Enrique Gil ng kanyang “I love you” comment sa TikTok post ng ex-girlfriend na si Liza Soberano, ilang araw matapos kumpirmahin ng aktres na matagal na silang hiwalay.

Noong Hulyo 29, nag-post si Liza ng video sa TikTok kung saan siya ay nagli-lip sync sa kantang “Everytime” ni Ariana Grande. Walang caption ang video, ngunit kapansin-pansin ang komento ni Enrique na “I love you” na agad naging viral sa mga fans ng LizQuen. Marami ang nabuhayan ng loob, umaasang may posibilidad pang magkabalikan ang dalawa.

Ngunit nitong Agosto 14, sa podcast-documentary episode ng Can I Come In? ni Sarah Bahbah, tuluyang isinapubliko ni Liza ang kanilang breakup. “Quen and I broke up… we’ve been broken up for almost three years now,” pahayag ng aktres. Dagdag pa niya, “Originally, the reason why we haven’t said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first.”

Matapos ang pag-amin ni Liza, napansin ng netizens na nawala na ang “I love you” comment ni Enrique sa TikTok post. Hindi malinaw kung siya mismo ang nagbura o kung ito ay awtomatikong tinanggal, ngunit para sa marami, tila ito ay senyales na nagsisimula nang tanggapin ng aktor ang kanilang paghihiwalay.

Sa mga naunang panayam, ipinahayag ni Enrique ang suporta kay Liza sa kanyang Hollywood career. “I love her to death. I just really support her no matter what,” aniya noong 2023. Ngunit sa kabila ng mga positibong pahayag, hindi na rin maikakaila ang distansya sa pagitan nila, lalo na’t bihira na silang magpakita sa publiko bilang magkasama.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, ang TikTok account kung saan nagkomento si Enrique ay hindi verified, ngunit ito ay sinusundan ni Liza at dati na niyang tinag sa mga post, kaya’t pinaniniwalaang tunay ito.

Sa ngayon, abala si Enrique sa kanyang mga proyekto bilang aktor at producer, habang si Liza ay patuloy na lumalaban sa Hollywood at international scene. Bagama’t tapos na ang kanilang love story, nananatili sa puso ng fans ang alaala ng LizQuen — isang tambalang minahal ng marami sa loob ng mahigit isang dekada.