Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cherry Pie Picache, nilinaw ang ispekulasyon sa balikan nila ni Edu Manzano

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-24 20:53:22 Cherry Pie Picache, nilinaw ang ispekulasyon sa balikan  nila ni Edu Manzano

Manila-  Muling napag-usapan sa showbiz world ang dating magkasintahan na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano matapos na makita silang magkasama sa isang showbiz event kamakailan. Dahil dito, maraming usap-usapang baka raw nagbabalikan na ang dalawa.

Matatandaang ilang taon ding nabuo ang pagmamahalan nina Cherry Pie at Edu bago sila naghiwalay makalipas ang dalawang taon. Marami ang umasa noon na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon, ngunit hindi ito natuloy.

Sa isang showbiz gathering na inorganisa ng FDCP, FAP at Mowelfund sa Valencia Events Place, muling nagkrus ang landas ng pamilya aktres at ng batikang TV host-actor matapos ang halos dalawa’t kalahating taon mula nang sila’y maghiwalay.

Gayunman, nilinaw ng 55-anyos na aktres na walang dapat ipagkamali sa kanilang muling pagkikita.

 Aniya, “We saw each other there, we went out. We still communicate, wala kaming away. But it doesn’t mean na kami uli.”

Dagdag pa ni Cherry Pie, maganda ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at patuloy silang nagkukumustahan. Sa katunayan, binati pa niya si Edu sa ika-70 kaarawan nito noong Setyembre 14.

Nang tanungin kung bukas pa ba siya sa pakikipagrelasyon, sinabi ng aktres na hindi siya mahilig makipag-date ngunit hindi rin isinasara ang kanyang puso. “If ever na magkakaroon uli ako ng boyfriend, I prefer my age or older than me,” ani Cherry Pie.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung may bagong espesyal na tao sa buhay ng aktres, ngunit malinaw na nananatiling maganda ang samahan at respeto sa pagitan nila ni Edu Manzano.

larawan/google