Diskurso PH
Translate the website into your language:

Nakakaantig! Detalye ng Pagpanaw ni Kim Sae Ron, Ibinunyag na!

Ipinost noong 2025-02-18 16:23:34 Nakakaantig! Detalye ng Pagpanaw ni Kim Sae Ron, Ibinunyag na!

Mga Marites, ayun nga isang malungkot at masalimuot na balita ang bumalot sa South Korea! Isiniwalat na ng mga awtoridad ang tunay na sanhi ng pagpanaw ng Korean actress na si Kim Sae Ron, at ito ay suicide, ayon sa Seongdeong Police sa Seoul at Yonhap News Agency.

Noong Pebrero 16, 2025, natagpuan si Kim Sae Ron sa kanyang bahay sa Seoul, walang iniwang note o sulat bago ang insidente. Isang kaibigan ang nakakita sa kanyang katawan at agad tumawag sa pulis. She was only 24 years old.

Si Kim Sae Ron ay isa sa pinaka-prominenteng child actresses ng South Korea. Ngunit matapos siyang maaresto dahil sa DUI (Driving Under Influence) case noong 2022, unti-unting bumagsak ang kanyang career.

  • Pinagmulta ng 20 million won (₱860,480)

  • Hindi na-renew ang kontrata sa kanyang talent agency, Gold Medalist

  • Tinanggal sa SBS drama na Trolley

  • Ipinagbawal sa KBS, isa sa pinakamalaking TV networks sa Korea

Matapos ang mga pangyayaring ito, tuluyang nawala sa spotlight si Kim Sae Ron, na tila hindi na muling nakabangon mula sa matinding backlash na natanggap niya mula sa publiko.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga Marites na sobrang tindi ng online hate culture sa South Korea. Maraming K-celebrities na ang nagkaroon ng mental health struggles dahil sa relentless bashing at harsh criticisms mula sa netizens.

"Ang bilis manghusga ng Korean netizens. Wala nang second chance para sa mga nagkamali."

"Sobrang lungkot na sa ganitong paraan natapos ang buhay niya."

Sa kabila ng matinding kontrobersiya, nagpakita ng suporta at pagmamahal ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Dumalo sa kanyang burol si Won Bin, ang kanyang co-star sa The Man From Nowhere, kahit matagal nang hindi aktibo sa showbiz.

Nagbigay-pugay din sina, Han So Hee at Kim Bora, Gong Myung at Ma Dong Seok,  FT Island, MJ at Jinjin ng ASTRO.

Bago siya pumanaw, may natapos pa siyang dalawang pelikula, Guitar Man at Everyday We Are, na ipapalabas pa lamang.

Mula sa pagiging child actress sa A Brand New Life (2009) at *The Man From Nowhere (2010), umangat si Kim Sae Ron bilang isa sa pinakamagaling na batang aktres ng kanyang henerasyon.

Mga Marites, isang talentadong aktres ang nawala nang maaga. Ang tanong: Hanggang kailan magpapatuloy ang toxic culture ng online hate at cancel culture sa South Korea?

Larawan mula kay Han Myung-Gu/WireImage