Diskurso PH
Translate the website into your language:

Anak ni Dr. Mike Padlan, ipinagtanggol ang ama matapos ang hiwalayan kay Kris Aquino

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-03-19 10:38:56 Anak ni Dr. Mike Padlan, ipinagtanggol ang ama matapos ang hiwalayan kay Kris Aquino

March 19, 2025 – Manila, Philippines – Lumantad si Miguel Lorenzo Padlan, anak ni Dr. Mike Padlan, upang ipagtanggol ang kanyang ama matapos ang hiwalayan nito kay Kris Aquino, ang tinaguriang "Queen of All Media."

Sa isang emosyonal na Facebook post na pinamagatang "A Son’s Love and Truth: Defending My Father’s Honor," ipinaabot ni Miguel ang kanyang pagmamahal at paggalang sa kanyang ama, habang nanawagan sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.

"I am the son of Dr. Padlan, and I am speaking up because I love my father. I cannot remain silent while false stories are being spread about him," isinulat ni Miguel.

Naunang ipinahayag ni Aquino na natapos ang relasyon nila ni Dr. Padlan dahil nais nitong makuha muli ang kanyang kalayaan at hindi siya mahal nito. Gayunpaman, nilinaw ni Miguel na habang nagwakas ang relasyon dahil sa kawalan ng "spark," hindi ito nangangahulugan na hindi minahal ng kanyang ama si Aquino.

"The truth is simple: yes, my father and Mama Kris separated because the spark between them was gone. However, that does not mean my father never loved her. He truly did," ani ni Miguel.

Binigyang-diin din ni Miguel ang mga sakripisyong ginawa ng kanyang ama sa relasyon, kabilang ang madalas na pagbiyahe papunta sa United States upang makasama si Aquino, kahit na ito ay nagdulot ng pagsubok sa kanyang kalusugan at pinansyal na katayuan.

"There were times when he had little to no money left and was losing patients at his clinic, yet he still chose to be with her," pagbabahagi ni Miguel, na iginiit ding hindi humingi ng anumang suporta sa pera ang kanyang ama kay Aquino.

Sa kabila ng mga pagsubok, pinanatili ni Dr. Padlan ang kanyang pagiging isang responsableng ama, ayon kay Miguel.

"Despite all the hardships he faced, both emotionally and financially, my father never abandoned us. He remained present in our lives, even during the most difficult times," ani Miguel.

Bilang pagtatapos sa kanyang pahayag, muling ipinaabot ni Miguel ang paggalang niya kay Aquino at inanunsyo na aalis ng bansa si Dr. Padlan upang alagaan ang isang may sakit na kamag-anak.

"My respect for Mama Kris remains immense because my father truly loved her. Soon, my father will leave the country to care for my aunt, who just had surgery. Because that is the kind of man he is—always putting others first," isinulat niya.

Ang hiwalayan nina Dr. Padlan at Kris Aquino ay naging usap-usapan sa publiko, lalo na matapos magbahagi si Aquino ng kanyang pananaw sa social media.

Sa isang Instagram post, inamin ni Aquino na masakit para sa kanya ang nangyari sa kanilang relasyon at binanggit ang kanyang kalusugan bilang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay.

"The doctor I loved left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for & the reality of Kris Aquino who had multiplying autoimmune diseases w/ so few treatment options," ayon kay Aquino.

Image Courtesy of Miguel Lorenzo Padlan’s Facebook Page