Diskurso PH
Translate the website into your language:

Maki, nakatakdang mag-release ng bagong track na “Kahel Na Langit”

Ipinost noong 2025-05-21 12:04:29 Maki, nakatakdang mag-release ng bagong track na “Kahel Na Langit”

Mayo 21, 2025 — Inanunsyo ng Tarsier Records sa kanilang official social media accounts na ang “Dilaw” hitmaker na si Maki ay naghahanda nang ilabas ang kanyang panibagong single na pinamagatang “Kahel Na Langit.” Wala pang final na petsa o oras ng release, pero hinihikayat ang fans na mag-abang para sa mga susunod na update.

Ang upcoming track na ito ang pinakabagong music release ni Maki matapos ang “Warmer Version” ng “Dilaw,” na ginamit bilang theme song ng bagong pelikulang My Love Will Make You Disappear. Ayon sa mga unang detalye, inaasahan ding magiging bahagi ito ng mas malaking proyekto — ang solo debut album ni Maki na Kolorcoaster, na una niyang ibinahagi noong premiere ng music video para sa “Bughaw.”

Samantala, abala rin si Maki sa nationwide Maki-Concert tour. Ang pinaka-recent na stop ay naganap noong Mayo 10 sa University of Baguio, kung saan nakasama niyang mag-perform ang mga rising ABS-CBN artists na sina Fyang Smith at Kai Montinola bilang special guests.

Larawan: Maki シ/Facebook