Tingnan: Awra Briguela, may balak magpa-sex change?
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-03 22:36:07
MANILA — Inamin ng comedian at dating child star na si Awra Briguela na may plano siyang sumailalim sa gender reassignment surgery sa mga darating na panahon.
Sa isang panayam sa podcast, ibinahagi ni Awra na hindi pa ito nakatakdang gawin sa ngayon dahil naniniwala siyang bata pa siya upang magdesisyon ng ganito kalaking hakbang.
“Hindi pa ngayon, pero may plan din ako magpa-sex change… I’m too young pa din,” pahayag ni Awra.
Gayunpaman, inamin din ng 20-anyos na artista na isa sa mga dahilan ng kanyang pagdadalawang-isip ay ang kaniyang mga muscles na pinaghirapan niyang buuin.
“Hirap pa ako magdesisyon ngayon kasi nga ‘yung muscle ko hindi ako makapagdesisyon kung ipapatunaw ko ba kasi love ko talaga siya. Parang it makes me so unique kaya hindi ko siya mapatanggal-tanggal,” dagdag pa niya.
Kilala si Awra bilang isa sa mga prominenteng personalidad sa showbiz na tahasang ipinapahayag ang kanyang gender identity at pagiging komportable sa kanyang sarili. Sa kabila nito, inaasahang muling haharapin ng komedyante ang mga batikos mula sa ilang netizens matapos ang kanyang pahayag.
Sa ngayon, nananatili siyang bukas sa posibilidad ngunit malinaw na nais muna niyang pag-isipang mabuti ang desisyong maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay at karera. (Larawan: Awra Briguela / Fb)
