Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kuya Kim Atienza, mas pipiliing tiisin ang cancer kaysa mawalan ng anak: 'Pero mamatayan ka ng anak, masakit!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-03 10:08:09 Kuya Kim Atienza, mas pipiliing tiisin ang cancer kaysa mawalan ng anak: 'Pero mamatayan ka ng anak, masakit!'

Nobyembre 2, 2025 – Bumuhos ang emosyon ng Kapuso TV host at trivia master na si Kim “Kuya Kim” Atienza nang muling balikan ang masakit na karanasang mawalan ng anak sa isang eksklusibong panayam ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Hindi napigilan ni Kuya Kim ang maging emosyonal habang isinasalaysay ang mga huling sandali ng kanyang anak na si Emman Atienza, na pumanaw sa Los Angeles, California noong Oktubre 22. Na-cremate na ang mga labi ni Emman sa Amerika at naiuwi na sa Pilipinas, kung saan kasalukuyang nakalagak ang kanyang urn sa tahanan ng pamilya Atienza.

 “Kahit bigyan mo ako ng cancer, okay lang, titiisin ko ‘yan. Madali ang physical pain, kaya mong labanan. Pero ‘yung mamatayan ka ng anak—masakit. Masakit sa lahat,” ani Kuya Kim habang pinipigil ang pagluha.

“Emman did not die in vain”

Ayon kay Kuya Kim, batid nilang mag-asawa na may pinagdaraanan ang kanilang anak bago pa ito pumanaw. Ibinahagi niya na may mga nauna nang “few attempts” si Emman, ngunit patuloy nilang ipinagdarasal ang kaligtasan at kaligayahan ng anak.

“My prayer to the Lord every single day was for this not to happen. For Emman to be safe, to be happy, to heal. Yet this happened,” emosyonal niyang pahayag.

Dalawang araw bago pumanaw si Emman, nakatanggap pa raw ng mensahe ang asawa ni Kuya Kim na si Felicia Atienza mula sa anak.

 “Sabi ni Emman, ‘Mom, I’m in an emergency right now but worry not. There’s no self-harm. But I need to go to a therapy center,’” kuwento ng TV host.

Ngunit matapos iyon, hindi na sumagot si Emman sa mga tawag at mensahe. Kinabukasan, nakatanggap na ng nakapanlulumong balita si Felicia habang nasa Florida para sa isang tournament.

“Nang mabasa ko ‘yung message ni Fely na, ‘I have terrible, terrible news,’ alam ko na. Napaluhod ako. Sabi ko, ‘Lord, heto na.’ Then she said, ‘Emman’s gone,’” dagdag pa ni Kuya Kim.

Sa kabila ng pagdadalamhati, sinabi ni Kuya Kim na kumukuha siya ng lakas sa mga taong naaantig ng kuwento ng kanyang anak.

“Grief comes in waves. Minsan okay ako, minsan bigla akong bumabagsak. Pero sa mga post at mensahe ng mga tao, nakikita kong marami ang na-inspire ni Emman,” aniya.

Ayon pa kay Kuya Kim, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa ay umani ng simpatya at inspirasyon ang pagkamatay ni Emman.

 “Even Americans, even people from out of the country are making comments about Emman and how she’s touched their life. She was featured in the New York Times, TMZ, Entertainment Tonight—and they didn’t just write about what happened, but about what she stood for: a little kindness.”

“Ayaw niyang matawag na nepo baby”

Sa panayam, nabanggit din ni Kuya Kim ang isyung ikinakapit noon kay Emman na isa raw “nepo baby” o anak ng sikat na personalidad na nakikinabang sa impluwensiya ng mga magulang.

 “Ayaw na ayaw niyang ma-associate sa akin. Kahit sa social media, ayaw niyang magkasama kami. Binlock nga ako sa TikTok para hindi ko magamit ang videos niya,” kwento ni Kuya Kim.

Nang tanungin niya kung bakit, sinagot umano siya ni Emman ng, “Papa, I’m already called a nepo baby—and they say I’m the nepo baby that they like. But if we’re seen together, I’ll be a real nepo baby. I want to do this on my own.”

Sa kabila ng lahat, labis ang pagmamalaki ni Kuya Kim sa kanyang anak.

 “In fairness to Emman, nag-shine siya on her own. She touched lives through her kindness. That’s her legacy,” aniya.

“A little kindness”

Sa pagtatapos ng panayam, nanatiling matatag si Kuya Kim sa kabila ng matinding dalamhati. Para sa kanya, ang pagpanaw ni Emman ay may dahilan—at iyon ay para magbigay ng aral at pag-asa sa iba.

“I’d like to think Emman did not die in vain.

Her message of kindness continues to live on,” pagtatapos niya.

Larawan mula sa Kmjs