Tom Rodriguez, ikinasal sa non-showbiz partner sa US bago bumalik sa Pilipinas
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-06 14:39:16
Disyembre 6, 2025 – Kasal na! Pinakasalan na ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang kanyang non-showbiz partner at ang nanay ng kanyang anak sa Amerika bago sila nagtungo rito sa Pilipinas. Kasama na niya sa bansa ang kanyang mag-ina, at natutuwa si Tom dahil mabilis daw silang nakapag-adjust sa bagong buhay dito.
Nakachikahan ng ilang entertainment media si Tom kahapon, December 5, sa grand media con ng kanyang bagong movie na “UmMarry”, official entry sa Metro Manila Film Festival 2025, kung saan kasama rin sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
“Yes, I am. I won’t go into details, pero happy,” ani Tom, na hands-on din bilang tatay sa kanilang panganay.
Dagdag pa niya, masaya siya sa bonding nila bilang pamilya.
“Wala kaming house help, e, so we do everything na kami lang. So we have a lot of time to bond together and spend time to each other,” kwento ng aktor.
Inamin ni Tom na hirap sa kanya ang hindi makasama ang pamilya sa matagal na panahon.
“Na-experience ko noong pinabalik na ko ng GMA dito after of my absences, hindi ko kaya na hindi sila kasama. And I don’t know how OFWs do it because when I try it for a few months, ang hirap. Ayaw na naming magkahiwalay pa kahit sandali lang,” ani Tom.
Nilinaw din niya na hindi niya itinatago ang pamilya sa publiko.
“Hindi ko naman sila tinatago. Sa akin talaga, ‘yong rule ko lang, I just want to live my life privately. Pero we go out. We have a community kung saan kami nakatira. We just live a normal [and] simple life. Kung ano ‘yong buhay namin noong nasa US kami, we’re trying to do same here. Pero hindi ibig sabihin noon na nakakulong kami, nagtatago. Gusto namin ng normal na buhay, at hindi namin kailangan i-share lahat,” dagdag niya.
Nagbigay rin si Tom ng reaksyon sa balitang engaged na ang dati niyang asawang si Carla Abellana sa isang doktor.
“Recently ko lang nalaman dahil sa mediacon. I wish her well. Everyone deserves happiness, and we all deserve to be happy, and I’m glad we’ve all finally moved on,” pahayag ng Kapuso actor.
Tinutok na lang niya ang sarili sa kanyang married life ngayon.
“Ako, nakatutok sa sarili kong married life now. Doon na ako nakatutok. Gusto ko yung peace na meron ako ngayon, mas dun na lang ako magpo-focus. So yung past, I don’t wanna open it anymore,” ani Tom.
Samantala, inamin din niya na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang “UmMarry,” dahil may kontrabida ang kanyang role.
“Marami ng chika tungkol sa akin na… well, alam ng malalapit sa akin na hindi totoo. So the public perception and the role, baka mag-blur yung line na yun. Pero yun nga, because of the project, sabi ko, why would I… parang sinabi ni Angelica kanina, ‘Why would you deny a project na panghihinayangan mo?’ It’s a really good story. I have to separate that because I know for myself and my loved ones that it’s not the truth. This is a role. It’s a beautiful story and I’m very, very excited to take it,” dagdag pa niya.
Makakasama rin sa “UmMarry” sina Nico Antonio, Eugene Domingo, Solenn Heussaff, at introducing ang child actor na si Zac Sibug, mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian under Quantum Films at CINEKO Productions.
