Huling Yugto na! ‘Stranger Things’ handa na sa final goodbye—5 bagay na dapat abangan
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-25 23:41:25
Handa na ang mga Hawkins loyalists dahil pormal nang nagbabalik ang hit Netflix series na “Stranger Things” para sa ikalima at huling season nito. Tatlong bagong episodes ang ipalalabas ngayong linggo, bago ang inaabangang grand finale sa Enero 1—isang emosyonal na pamamaalam para sa isa sa pinaka-iconic na serye ng henerasyon.
Mula nang mag-debut noong 2016, winasak ng Stranger Things ang streaming records at nagbigay-buhay sa 1980s nostalgia. Bago tuluyang magsara ang Upside Down, heto ang limang bagay na dapat mong malaman:
Mula kina Winona Ryder, Millie Bobby Brown, Finn Wolfhard, Gaten Matarazzo, hanggang kina Joe Keery, Natalia Dyer, at Maya Hawke, buong cast ay balik-eksena para sa isang “proper send-off.”
Si Millie Bobby Brown, na minsang 12-anyos lang nang sumikat bilang Eleven, ay isa na ngayong certified movie star at producer. Samantala, si Finn Wolfhard ay tuloy-tuloy ang tagumpay sa malalaking franchises tulad ng It at Ghostbusters.
Ayon kay Finn, siniguro nilang may hustisya ang pagtatapos ng bawat karakter—walang bitin, walang tapon.
Isa sa pinakamalakas na sandata ng serye ay ang throwback feels—mula sa baggy jeans, bowl cuts, at mullet ni Steve Harrington, hanggang sa horror vibes na inspired ng E.T., Nightmare on Elm Street, at mga nobela ni Stephen King.
Bonus pa ang muling pagsikat ng kantang “Running Up That Hill” ni Kate Bush, na muli ring naghari sa music charts makalipas ang halos apat na dekada.
Hindi maikakaila: Stranger Things ang isa sa mga seryeng naglagay sa Netflix sa global pop culture map. Tinatayang umaabot sa tens of millions of dollars ang budget ng bawat episode—mas mahal pa kaysa sa ilang Hollywood films.
Mula action figures hanggang themed corners sa malalaking tindahan sa London at Paris, patunay ang Stranger Things na hindi lang serye—isa itong brand at lifestyle phenomenon.
Ayon pa sa mga fans, naging tulay ito para ma-appreciate ng mas batang henerasyon ang dekada ’80, lalo na kapag pinapanood kasama ang kanilang mga magulang.
Lumalawak pa ang Stranger Things universe
Bagama’t nagtatapos na ang main series, hindi pa tuluyang nagpaalam ang mundo ng Stranger Things. Mayroon nang theater play sa West End at Broadway, isang animated spin-off series sa 2026, at isang mystery novel na nakasentro kay Nancy Wheeler.
Sa paglapit ng finale, malinaw ang isang bagay:
Hindi lang serye ang ‘Stranger Things’—isa itong cultural milestone. At sa pagpanaw ng Upside Down, milyon-milyong fans ang sabay-sabay na magpapaalam… nang may halong kaba, lungkot, at walang kapantay na nostalgia.
