Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pasabog sa Pasko! Loisa Andalio, ibinandera ang baby bump—'Our little miracle'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-25 22:22:32 Pasabog sa Pasko! Loisa Andalio, ibinandera ang baby bump—'Our little miracle'

Pasabog sa Araw ng Pasko! Inamin na ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio na siya ay buntis at soon-to-be mommy na sila ng mister na si Ronnie Alonte—isang rebelasyong agad nagpainit sa social media nitong December 25.

Sa isang emosyonal at puno ng pagmamahal na Instagram video, ibinandera ni Loisa ang kanyang baby bump habang kasa-kasama ang kanyang asawa. Simple pero ramdam ang saya, pasasalamat, at pananampalataya ng bagong yugto sa kanilang buhay-mag-asawa.

“Baby Jesus, maraming maraming salamat sa pinakamalaking blessing na ipinagkaloob mo sa amin ni R2,” panimula ni Loisa sa kanyang post.

Dagdag pa ng aktres, matagal na nilang iningatan sa katahimikan ang balitang ito.

“You trusted us with a miracle we’ve been quietly holding close to our hearts.”

Ayon kay Loisa, ngayon pa lamang daw nila naranasan ang isang uri ng pagmamahal na hindi maipaliwanag—isang pagmamahal para sa isang taong hindi pa nila nakikita ngunit mahal na mahal na nila.

“Ngayon lang kami nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal, isang pagmamahal na napakalalim para sa isang taong hindi pa namin nakikilala,” ani pa niya.

Hindi rin napigilan ng aktres na mag-iwan ng isang matamis na mensahe para sa kanilang magiging panganay, na tinawag niyang isang answered prayer at regalong magbabago sa kanilang buhay.

“To our little miracle, sobrang excited na kami na makilala ka. Ikaw ang aming panalangin na sinagot at ang regalong magbabago sa aming buhay ngayong Pasko,” pagtatapos ni Loisa.

Agad namang umulan ng congratulatory messages mula sa netizens, celebrity friends, at kapwa Kapamilya stars na tila sabay-sabay nakisaya sa bagong milestone ng mag-asawa.

Matatandaang bago pa man ang opisyal na pag-amin, una nang ibinulong ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang tsikang buntis umano si Loisa—ilang linggo bago pa tuluyang ianunsyo ni Ronnie ang kanyang proposal sa longtime partner.

Noong November 2025, ikinasal sina Loisa at Ronnie ilang araw matapos nilang ibahagi sa publiko ang kanilang engagement—at ngayon, mas lalo pang naging makabuluhan ang kanilang love story sa pagdating ng isang munting himala.

Mukhang mas lalong magiging kumpleto at masaya ang Pasko ng mag-asawang Loisa at Ronnie—dahil may parating nang bagong bida sa kanilang buhay.

Larawan: Loisa Andalio Instagram