Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ikaw na ang humusga: May tampo ba si Vice? O tayo lang ang nagbigay ng malisya?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-05 16:24:34 Ikaw na ang humusga: May tampo ba si Vice? O tayo lang ang nagbigay ng malisya?

Naging viral ang airport encounter na kinasangkutan ni Vice Ganda matapos siyang sundan ng isang content creator na hindi raw maalala ang kanyang pangalan habang kinukuhanan siya ng video. Pero bago tayo makisawsaw sa intriga, subukan nating itanong ito sa sarili natin.

Kung ikaw ang hinabol ng camera habang nagmamadali sa airport, ano ang mararamdaman mo?

Maiinis ka ba? Tatawa ka na lang? O magpapatuloy ka na lang sa paglalakad gaya ng ginawa ni Vice?

Kailan ba nagiging biro, at kailan nagiging bastos ang isang eksena?

Nang sabihin ni Vice ang, “Happy New Year po, hindi n’yo nga ako kilala, ate eh,” galit ba talaga iyon—o simpleng biro na may halong pagod at pagkaalangan?

Required ba talagang kabisado natin ang pangalan ng lahat ng artista?

Kung hindi mo kilala ang isang celebrity, mali na bang lapitan at videohan siya? O mas mali bang gawin itong content kahit halatang hindi komportable ang tao?

Public figure ba ibig sabihin wala nang personal space?

Hanggang saan ang karapatan ng fans at content creators? Saang punto dapat tumigil ang camera at mauna ang respeto?

At itong tanong na medyo mahirap sagutin:

Kung hindi mo talaga kilala si Vice, bakit mo siya hinabol?

At kung kilala mo naman, bakit pa ang caption na “parang nagtampo o nagalit”?

Sa panahon ngayon na lahat ay pwedeng gawing viral, sino ba ang dapat mag-adjust—ang artista o ang audience?

Ang iniintrigang artista na nagmamadali?

O ang netizen na naghahanap ng kuwento?

Sa huli, baka hindi ito usapin kung may tampó si Vice.

Baka ang tanong talaga ay: tayo ba, marunong pa bang magbigay ng espasyo?