Diskurso PH
Translate the website into your language:

MMDA, target ibalik ang murang sine sa MMFF 2026, nalugi nga ba ngayong 2025?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-08 01:52:19 MMDA, target ibalik ang murang sine sa MMFF 2026, nalugi nga ba ngayong 2025?

Mainit na usapan ngayon sa showbiz at film industry ang mataas na presyo ng sine—at mukhang ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ganun karami ang nanood sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ayon mismo kay Metro Manila Film Festival Overall Chairman Don Artes, umaabot na raw sa ₱400 ang regular cinema tickets, habang ang premium cinemas ay pumapalo na sa ₱600 pataas. Kaya naman hindi raw maiiwasan na umatras ang ilang moviegoers.

“Ako personally, dapat hindi lalampas ng ₱300 ang presyo ng sine,” diretsahang pahayag ni Artes.

Boom! Kung ikaw ang tatanungin—makatarungan ba ‘yan sa panahon ngayon?

₱100M ang nabawas sa kita—pero may twist!

Bagama’t halos ₱100 milyon ang ibinaba ng kabuuang kita ng MMFF kumpara noong nakaraang taon, may silver lining pa rin. Ayon kay Artes, 7 out of 8 MMFF entries ay umabot sa 8-digit gross—isang first time sa kasaysayan ng festival.

Dahil dito, napagdesisyunan pang i-extend ang MMFF screenings hanggang Enero 14 dahil mas mataas pa raw ang daily gross pagkatapos ng holiday break. 

Family bundle sa sine? Game ka ba?

Isa pang proposal na pinag-uusapan: ticket bundles.

Halimbawa: kung ₱400 ang isang ticket, baka pwedeng ₱600 na lang para sa dalawa—lalo na raw para sa families at barkadahan.

Sounds good, ‘di ba? Pero tanong ng bayan: Papayag kaya ang cinemas? 

Nasaan ang “pang-masa” films?

Isa ring inamin ni Artes:

Mababa raw ang consumer spending ngayon. Hindi priority ng marami ang panonood ng sine. At higit sa lahat… walang pambata o “pang-aliw” na pelikula

“Siguro, walang pambata ngayon eh,” aniya—sabay banggit sa mga pelikulang dating ginagawa ni Vice Ganda na talagang dinudumog ng buong pamilya.

Dagdag pa rito, mas artistic daw ang MMFF films ngayon—isang pananaw na sinang-ayunan din ng direktor na si Jun Robles Lana, na nagsabing tila “nawawala ang kaluluwa ng industriya” dahil sa sobrang mahal ng sine.

MMFF 2026: Babawi ba?

Good news: maaga pa lang, marami nang producers at A-list stars ang nagpakitang-gilas at gustong sumali sa MMFF 2026. Pero ang tanong…

Kung hindi bababa ang ticket prices, babalik kaya ang masa sa sinehan?

Mas pipiliin mo pa rin ba ang Netflix kaysa sine?

At kung ₱300 lang ang ticket—manonood ka ba ulit?