Finally! Barbie Imperial, may dream house na sa Bicol matapos ang 10 taon sa showbiz
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-21 09:23:47
Talagang ibang klase na ang glow ni Barbie Imperial ngayon, at hindi lang dahil sa lovelife—kundi dahil may bahay na siyang ipapatayo sa Bicol, sariling kayod matapos ang 10 taon niyang pakikipagsapalaran sa showbiz.
Sa kanyang Instagram, very proud na ibinahagi ni Barbie ang groundbreaking ceremony ng ipapagawa niyang bahay sa kanilang hometown. Present siyempre ang kanyang Mama Bing, kuya, at ang pinsan niyang architect na siyang nag-design ng dream house.
At mga ka-chika, hindi basta-basta ang bahay. Contemporary modern ang peg—may malalaking bintana para sa natural light, preskong-presko sa mata, may mga puno sa paligid, at oo, may swimming pool pa. Hindi man bonggang-mansyon vibes, pero ramdam mo yung “ito ang bunga ng lahat ng pinagdaanan ko” na energy.
Emosyonal ang caption ni Barbie na talagang tumagos sa puso ng netizens:
“Oh my… 10 years in the industry and was able to put a roof over my mama and kuya’s heads, and now I have my own home in my province.”
Hindi rin nakalimutan ng aktres na magpasalamat sa ABS-CBN at Star Magic na aniya’y patuloy na nagtiwala sa kanya sa loob ng maraming taon.
Pero syempre, hindi mawawala ang iyakan portion.
Aminado si Barbie na hindi naging madali ang lahat—may puyat, may pagod, at may mga gabing halos sumuko na raw siya.
“Sobrang pinagpaguran ko ‘to… puyat, pagod, at ilang beses na iyak,” ani ng aktres, sabay sabing para raw ito sa kanyang mama na tinawag niyang “nag-iisa kong lakas.”
Dahil dito, dagsa ang pagbati mula sa mga kaibigan sa showbiz tulad nina Mariel Padilla, Tony Labrusca, Gretchen Fullido, Jules Estrada, Max Collins, DJ Chacha, BINI Gwen, at pinsan niyang si Marco Gumabao.
Pero teka lang… hindi pa pala dito nagtatapos ang kwento.
May ilang netizens na tila binutas ang moment at naglabas ng espekulasyon online: posible raw bang may tumulong kay Barbie sa pagpapatayo ng bahay? At ang agad na nadawit—walang iba kundi si Richard Gutierrez, ang napapabalitang boyfriend ng aktres.
Sariling-ipon lang ba talaga ito ni Barbie?
o may “konting tulong” mula sa espesyal na tao sa kanyang buhay?
Sa ngayon, walang kumpirmasyon at tahimik lang ang kampo ni Barbie. Pero aminin—kahit ano pa ang totoo, deserve niya ang moment na ‘to matapos ang isang dekadang kayod, iyak, at laban sa industriya.
Ikaw, ka-chika, valid ba ang panghihimasok ng netizens, o inggit lang talaga ang maingay?
Larawan: Barbie Imperial Facebook
