Diskurso PH
Translate the website into your language:

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz at Isabel Santos, sweet na sweet na magkasama sa Thailand!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-25 23:46:41 Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz at Isabel Santos, sweet na sweet na magkasama sa Thailand!

Mukhang napaaga ang pagba-“break” ng ilang marites online dahil tila hindi naman pala totoong hiwalay sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos!

Kamakailan lang ay umugong ang espekulasyon na may pinagdadaanang problema ang dalawa matapos mapansing nag-unfollowan sila sa Instagram. Siyempre, mabilis ang netizens — isang click lang, hiwalay agad ang hatol! Lalo pa itong uminit nang maiulat pa sa ilang entertainment sites ang naturang social media move.

Pero teka muna… mukhang may pasabog na plot twist!

Sa mga lumabas na larawan na ibinahagi online, namataang magkasama sina John Lloyd at Isabel sa Thailand. At hindi lang basta magkasama ha — makikitang parehong nakangiti at relaxed ang dalawa, na para bang walang bahid ng intriga sa kanilang relasyon. Sa ilang kuha pa nga, kapansin-pansin ang pagiging komportable nila sa isa’t isa. Kaya tuloy ang tanong ng netizens: Kung hiwalay, bakit may pa-travel goals together?

Hindi ito ang unang beses na nasangkot si John Lloyd sa mga usap-usapan kamakailan. Matatandaang na-link din ang pangalan niya sa umano’y tensyon nila ng TV host na si Robi Domingo sa isang kasalan ng kanilang celebrity friends. Ngunit tulad ng hiwalayan issue, nanatiling tikom ang bibig ng aktor tungkol dito.

Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag mula kina John Lloyd at Isabel tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kaya naman lalong nabaon sa palaisipan ang publiko:
Nagkaroon ba talaga ng tampuhan pero nagkaayos din agad?
O sadyang na-misinterpret lang ang pag-unfollow nila sa isa’t isa?
Soft launch ba ulit ito ng “still together” era nila?

Sa mundo ng showbiz kung saan isang pindot lang ay puwedeng maging “breaking news,” mukhang pinaaalala ng dalawa na hindi lahat ng nakikita online ay buong kuwento.

Sa ngayon, mukhang mas pinipili muna nina John Lloyd at Isabel ang manahimik — at mag-enjoy ng kanilang time together abroad — habang ang netizens ay patuloy sa pagbuo ng kani-kanilang theories.

Photo courtesy: lethygorl/IG