Diskurso PH
Translate the website into your language:

Fhukerat vs. Wacky Kiray, lumala dahil sa isang “art card” — Sino ang totoo, sino ang nadale?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-28 22:59:46 Fhukerat vs. Wacky Kiray, lumala dahil sa isang “art card” — Sino ang totoo, sino ang nadale?

Umiinit ang social media ngayong linggo dahil sa bangayan nina Fhukerat (Kier Garcia) at komedyanteng si Wacky Kiray, matapos kumalat ang isang art card na umano’y naglalaman ng reklamo ni Fhukerat tungkol sa MRT.

Ayon sa lumabas na post, sumakay daw si Fhukerat sa MRT sa Taft at “hindi na mauulit,” dahil sa dami ng tao, siksikan, at nakakadiri pa raw na nakikita sa loob. “Naligo agad ako pag-uwi,” ang sinabing linya na agad kumalat online.

Ngunit pumalag si Fhukerat sa kumalat na post, sinasabing satire lamang ang art card at hindi siya ang nagsabi ng naturang linya. Ayon sa social media personality:

“Rumors can destroy a person’s name in seconds. Not everything we read or see online deserves our attention or belief. Before reacting, before sharing—pause. Comprehension and fact-checking should always come first. Silence is better than spreading lies. Not every story is worth your voice.”

Dahil dito, mas lalong nag-init ang mga netizens nang mag-react ang post na iniuugnay kay Wacky Kiray. Dito, ipinagtanggol niya ang mga commuters na araw-araw nagsisiksikan sa MRT para makapasok sa trabaho, makauwi sa pamilya, at kahit pagod ay nagpapatuloy sa buhay. “Kung nabahuhan ka o nadidiri, mag-Grab ka o mag-taxi ka! Ang arte mo!” ayon sa reaction na kumalat.

Pero teka… hindi malinaw kung real account ba ni Wacky ang nagbahagi ng reaksyon. Marami ang followers ng page, pero walang verified check, kaya duda kung siya nga ang nasa likod ng viral comment.

Totoo ba talaga ang linya tungkol sa MRT, o biktima lang ba si Fhukerat ng satire?

Kung satire nga, bakit parang maraming naniwala agad?

May personal bang pinanggagalingan ang hugot o nadala lang sa emosyon?

Ang simpleng art card na ito ay nauwi sa mas malalim na usapan tungkol sa social media responsibility, respeto sa commuters at ordinaryong manggagawa, at kung gaano kabilis maaaring masira ang reputasyon ng isang tao online.

Sa ngayon, wala pang opisyal na statement mula sa kampo ni Wacky upang linawin ang isyu. Ngunit sigurado ang mga netizens, kahit simpleng post lang, puwede nang maging trending topic at mag-init ang comment section sa loob ng ilang minuto.

Magkakaayos ba ang dalawang panig sa likod ng kamera, o mas lalo pang lalala ang bangayan?