Diretsahang nagsalita si Barbie Imperial tungkol sa matagal nang intrigang siya raw ang dahilan ng hiwalayan Anina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Sa vlog ni Ogie Diaz, klarong-klaro ang pahayag ni ate girl: wala siyang kinalaman sa breakup ng dalawa.
Ayon kay Barbie, alam daw ng Diyos at maging ng mga taong malapit kina Richard at Sarah na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay. Matapang din niyang sinabi na parehong alam nina Richard at Sarah ang totoong rason — at hindi raw siya iyon.
At take note, may respeto si ate mo. Hindi raw niya kuwento ang detalye ng hiwalayan, lalo na’t may mga anak na involved. Very careful, very demure ang peg.
Pero eto ang mas juicy
Sabi ni Barbie, hiwalay na raw talaga ang tirahan nina Richard at Sarah bago pa siya pumasok sa eksena. Ibig sabihin… tapos na raw ang chapter bago nagsimula ang kanila?
Kung may overlap, bakit tahimik si Sarah?
Kung walang isyu, bakit ang daming haka-haka?
At kung malinaw sa lahat ang timeline… bakit hanggang ngayon may duda pa rin ang madla?
Dagdag pa ni Barbie, kung siya raw ang nang-agaw, natural lang daw na magalit si Sarah at magsalita laban sa kanya. Eh kaso… wala naman daw gano’n.
Sa usaping pag-ibig, very vocal din si Barbie kung bakit nahulog ang loob niya kay Richard. Ayon sa kanya, maalaga, masipag mag-effort, at hindi sumusuko kapag mahal ka. Ayieee ????????
Habang tahimik ang kampo ni Sarah, tuloy ang kilig at intriga sa bagong tambalan. Pero ang tanong ng bayan…
Tapos na ba talaga ang lumang kuwento bago nagsimula ang bago? O may mga detalye pa tayong hindi alam?
