Joy Barcoma, palaban ang sagot sa pagsali ng transwomen sa pageantry!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-05-04 09:46:14
Mars, heto na naman tayo sa mainit-init na talakayan! Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma tungkol sa isa sa mga pinaka-kontrobersyal na usapin sa mundo ng korona: ang pagsali ng transwomen sa mga beauty pageant. Hindi na tayo nagulat na palaban ang ating reyna, pero ang tanong ng nakararami—sang-ayon ba ang lahat sa kanyang "woke" perspective?
Sa kanyag naging guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, walang preno na sinabi ni Joy na pabor siya sa desisyon ng Miss Universe Organization na buksan ang pinto para sa mga transwomen. Ayon sa kanya, kung ang layunin daw ng pageantry ay i-celebrate ang pagiging babae o womanhood, hindi dapat balewalain ang hirap at sakripisyong pinagdaanan ng ating mga kapatid sa transgender community para marating ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Pero teka, sapat na nga ba ang "transition" para masabing pantay ang laban sa mga naturally-born females?
Kilalang tunay na ally ng LGBTQIA+ community si Joy, kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na pati ang mga straight content creators na "nagbabakla-baklaan" para lang sa views at pera ay sinita niya noon. Talagang may paninindigan ang lola mo! Pero sa gitna ng kanyang pagsuporta, hindi pa rin maiwasan ng mga netizens na magtaas ng kilay. Ito na nga ba ang simula ng bagong era ng pageantry, o unti-unti na bang nawawala ang tradisyunal na depinisyon ng isang "Beauty Queen"?
Habang abala ang lahat sa pag-debate, tila nag-iwan ng malalim na marka ang pahayag na ito ni Joy. Para sa kanya, ang pag-discredit sa karanasan ng mga transwomen ay parang pagtalikod na rin sa inclusivity na isinusulong ng modernong panahon. Ngayong taon na puno ng pasabog, isa lang ang sigurado: hindi basta-basta magpapaawat ang mga usaping ganito sa social media. Kayo mga ka-Marites, bet niyo ba na makipagtalbugan ang mga transwomen sa rampahan, o dapat ay may sarili silang entablado para rito?
