Diskurso PH
Translate the website into your language:

MUSIC SCENE: BTS balik-eksena! Live comeback sa Netflix, may pasabog pang emosyonal na docu

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-05 22:46:05 MUSIC SCENE: BTS balik-eksena! Live comeback sa Netflix, may pasabog pang emosyonal na docu

OMG ARMY, READY NA BA KAYO?! Mukhang legit na ang pinaka-inaabangang comeback ng BTS — at hindi lang basta comeback ha… Netflix level ang ganap!

Sa darating na March 21, 7:00 PM (PH time), mapapanood LIVE sa Netflix ang special performance na “BTS The Comeback Live | Arirang” mula sa iconic Gwanghwamun Square sa Seoul. Yes, global stage agad! 

After ng kanilang military service era, muling magsasama sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook para ipagdiwang ang bagong album nilang “Arirang.”
Tanong ng bayan: Ito na ba ang most emotional BTS era ever? 

Hindi lang basta plaza ang Gwanghwamun Square. Dito makikita ang monument ni Admiral Yi Sun-sin at malapit sa Gyeongbokgung Palace — kaya imagine mo ang visuals: K-Pop kings + historical Korea backdrop.
Cultural comeback ang peg? Global history meets global idols?

Hindi lang live show ang ibibigay ng BTS at Netflix. May documentary film din na “BTS: The Return” na ipapalabas sa March 27.

Dito raw makikita ang behind-the-scenes ng paghahanda nila sa comeback — kasama ang mga moments of doubt, tawanan, at emotional realizations.
Sabi ng Netflix, ito raw ang story ng “how to begin again.”
Ibig bang sabihin, mas personal at mas mature na BTS ang makikita natin ngayon?

Ilalabas ang album sa March 20, isang araw bago ang live event. May 14 tracks ito na sumasalamin daw sa kung sino na sila ngayon bilang artists at bilang magkakapatid sa grupo.
May throwback vibes kaya? O totally bagong tunog na?

Kasama raw ang Manila sa world tour nila.
Ready na ba ang PH ARMY sa ticket war? Kaya pa ba ng puso natin ‘to? 

Sa dami ng ganap, isang tanong na lang talaga:
Ito na ba ang comeback of the decade?
Handa na ba tayong makita ang BTS na mas totoo, mas matatag, at mas emosyonal kaysa dati?

ARMY… maghanda na. Mukhang babaliktarin na naman ng BTS ang buong mundo.