Jopay Paguia, nag-alangan bumalik sa SexBomb Girls dahil sa relihiyon — paano iyang nalampasan ‘yun?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-17 23:36:00
Grabe, mga Ka-Marites! Kung akala niyo madali lang ang magdesisyon sa balik-SexBomb, aba… isipin niyo nga si Jopay Paguia! Ang isa sa original members ng legendary na SexBomb Girls, inamin niyang dalawang beses siyang umalis sa grupo dahil sa relihiyon.
Ayon kay Jopay, may impresyon noon ang ibang tao na "marumi, masama, at malaswa" ang kanilang sayaw. Kaya’t inisip niya, baka labag ito sa mga aral ng simbahan. Parang ganito ang tanong niya sa sarili: “Magiging masamang tao ba ako kung babalik ako?”
Kaya naman kinausap niya ang pastor niya at nagdasal para sa gabay. At aba, grabe ang sagot ng pastor! Sabi raw:
"Ano bang una mong trabaho? Ano ang talento na binigay sa’yo ng Lord? Kumanta at sumayaw ka. Nasa sa’yo na lang kung paano mo ito gagamitin."
Tapos, may sign pa raw siyang nakita — mga bata na sumasayaw sa sikat nilang kanta na “Spaghetti.” ???? ‘Yun daw ang nagpangyari sa kanya para bumalik sa SexBomb.
Pero teka, habang si Jopay ay nagbalik, may tanong: paano kaya ang mga miyembrong tulad ni Izzy Trazona, na tinalikuran ang grupo dahil sa simbahan at ngayon ay solid pa rin sa paniniwala kasama ang asawa niyang si Alvin Aragon?
At heto pa, mga Ka-Marites: magkakaroon na naman ng international shows ang SexBomb — sa UAE sa March at sa California, USA sa May! Kaya nga tanong namin, handa na kaya ang mga fans sa global SexBomb fever? At sa personal side naman ni Jopay, kaya ba nitong pagsabayin ang spiritual life at pagiging SexBomb dancer?
