WHAT TO WATCH: DonBelle Is back! Tayo sa Wakas teaser, umabot na ng 5.9M views
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-17 22:57:40
Hindi pa man napapalabas sa sinehan, umaalagwa na agad sa usap-usapan ang bagong pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ang announcement teaser ng Tayo sa Wakas ay nakaipon na ng 5.9 million views sa iba’t ibang platforms — at take note, teaser pa lang ‘yan. Kaya ang tanong ng bayan: gaano pa kalakas ang magiging epekto kapag full trailer na?
Ayon sa Star Cinema, mabilis ang naging traction ng teaser, bagay na lalong nagpaingay sa matagal nang tahimik na DonBelle fandom. Marami tuloy ang nagtatanong: miss na miss ba talaga ng fans ang tambalan nila? O may iba pang dahilan kung bakit ganito kainit ang pagtanggap?
Sa direksyon ng Cathy Garcia-Sampana, mapapanood ang pelikula sa mga sinehan simula May 27, 2026. At ayon sa mga nakakalam, “unexpected” daw ang kwento — pero gaano ka-unexpected? May hugot ba? May sakit? May pag-amin?
Matatandaang huling nagkasama sina Donny at Belle sa pelikulang An Inconvenient Love, bago sila nag-focus sa kani-kanilang solo projects. Kaya naman ang pagbabalik-tambalan na ito ay itinuturing ng marami bilang “comeback movie.”
Pelikula lang ba ang nagbabalik, o pati ang kilig off-cam?
May lalim ba ang chemistry na napapanood — o mahusay lang talaga silang umarte?
Bakit parang mas intense ang vibes nila ngayon kumpara noon?
Sa mga seryeng He's Into Her at Can't Buy Me Love, at pelikulang Love Is Color Blind, napatunayan na ng DonBelle ang lakas ng kanilang tambalan. Pero mukhang sa Tayo sa Wakas, may bagong level ang emosyon — at baka pati ang tinginan.
Hindi lang pelikula ang hinihintay ng fans — kundi ang mga susunod pang eksena, linya, at baka… rebelasyon.
Abangan. Dahil kung teaser pa lang ay ganito na kaingay, ano pa kaya ang mangyayari sa dulo?
