Nilaro ang bashers! Michelle Dee, may pa-Angpao!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-18 00:07:40
Nakakaaliw ang latest post ni Michelle Marquez Dee sa social media! Sa kanyang bagong upload, makikitang naka-Chinese outfit ang Kapuso beauty queen-actress habang may hawak na angpao – perfect para sa kanyang endorsement sa isang bangko ngayong Chinese New Year.
"Gong Xi Fa Cai! 恭喜发财," mababasa sa caption, at aba, mukhang hindi lang pagbati ang dala ni Michelle kundi may kasamang mensahe para sa kanyang mga bashers!
Hindi pinalampas ng netizens ang pagkakataon. Mga komento gaya ng:
"HAHAHAHA dapat daw kasi hintaying bigyan hindi nanakawin"
"I love it hahaha nilaro na lang ang bashers"
"Sige laruin mo lang mga bashers mo hahaha"
"Nilaro HAHAHAHA"
"Mahusay talaga manlaro si mama!!! Haahhahahaaha"
...ang nagpasaya sa kanyang post. Kitang-kita, tila pinapakita ni Michelle na hindi siya basta basta maapektuhan ng intriga.
Matatandaang kinasuhan niya ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos dahil sa umano’y pagnanakaw ng angpao na naglalaman ng “sensitibong larawan.” Kasunod nito, inireklamo rin nina Michelle, Rhian, at isa pang beauty queen na si Samantha Panlilio ang driver para sa torture at serious illegal detention.
At nitong Lunes, Pebrero 16, umani ng pansin si Michelle nang i-report niya si Xian Gaza sa NBI sa kaso ng cyber libel, kaugnay ng pagpapakalat umano ng fake news laban sa kanya.
Nilalaro ba ni Michelle ang mga bashers niya, o may mas malalim na mensahe sa kanyang mga social media post? Anong susunod na hakbang ng Kapuso queen sa gitna ng mga legal na isyu at intriga? At sa dami ng nangyayari, sino pa kaya ang susunod na maiipit sa kontrobersiya?
